PANOORIN: ‘Paalam Na’ ni Rachel Alejandro

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: ‘Paalam Na’ ni Rachel Alejandro
Bago nilapatan ng musika, ang ‘Paalam Na’ ay tulang isinulat ng dati'y magkasintahang Rachel Alejandro at Dingdong Avanzado

Hindi lang naging isang malaking hit ang kantang “Paalam Na” ni Rachel Alejandro nang inilabas ito noong 1994, tumanggap din ito ng maraming gantimpala.

Alam ’nyo bang tula itong isinulat ni Rachel kasama ang kanyang dating kasintahang si Dingdong Avanzado?

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Rachel para bigkasin – sa halip na awitin – ang “Paalam Na.” – Rappler.com

Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa ‘yo

‘Di ko ito ginusto
Na tayo’y magkalayo
Nguni’t di magkasundo
Damdamin laging ‘di magtagpo ohh

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa

Sana’y huwag mong isipin
Na pag-ibig ko’y di tunay
Dahil sa ‘yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay

Nguni’t masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin

Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa ‘yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko  

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!