PANOORIN: Pagbasa ni Baron Geisler ng ‘Para sa Masa’ ng Eraserheads

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Baron Geisler ng ‘Para sa Masa’ ng Eraserheads
Binigkas ni Baron Geisler ang awiting 'Para sa Masa' ng Eraserheads para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Nagsimula bilang teen star sa telebisyon si Baron Geisler. Ang husay niya sa pag-arte ay madalas matabunan ng mga kontrobersiyang nasusuotan niya sa showbiz.

Huli siyang uminit sa mga balita nang makaaway ang aktor na si Kiko Matos. Nauwi ang away nila sa bakbakan sa loob ng mixed martial arts ring

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler ang aktor para tulain ang kantang “Para sa Masa” ng Eraserheads. – Rappler.com

 

Ito ay para sa mga masa

Sa lahat ng nawalan ng pag-asa

Sa lahat ng ng aming nakasama

Sa lahat ng hirap at pagdurusa

 

Naaalala niyo pa ba

Binigyan namin kayo ng ligaya

Ilang taon na ring lumipas

Mga kulay ng mundo ay kumupas

 

Marami na rin ang mga pagbabago

Di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang

Mapapatawad mo ba ako

Kung hindi ko sinunod ang gusto mo

 

Pinilit kong iahon ka

Ngunit ayaw mo namang sumama

 

Ito ay para sa mga masa

Sa lahat ng binaon ng sistema

Sa lahat ng aming nakabarkada

Sa lahat ng mahilig sa labsong at drama

Sa lahat ng di marunong bumasa

Sa lahat ng may problema sa ‘skwela

Sa lahat ng fans ni Sharon Cuneta

Sa lahat ng may problema sa pera

Sa lahat ng masa

 

Huwag mong hayaang ganito

Bigyan ang sarili ng respeto

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!