PANOORIN: Pagbasa ni RR Cagalingan ng ‘Tuwing Tinatanong Kung Ano ang Ibig’

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni RR Cagalingan ng ‘Tuwing Tinatanong Kung Ano ang Ibig’
Uso sa millennials ang spoken word poetry. Isang sampol mula kay RR Cagalingan – ang kanyang tulang 'Tuwing Tinatanong Kung Ano ang Ibig'

Dati, sa balagtasan ipinamamalas ng mga makata ang kanilang galing; ngayon, spoken word poetry ang uso, lalo na sa millennials.

Isa sa mga kabataang nagpapayabong ng spoken word poetry si RR Cagalingan.

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan siya ng Rappler para bigkasin ang kanyang tulang “Tuwing ‘Tinatanong Kung Ano ang Ibig.” –  Rappler.com

Tuwing tinatanong kung ano ang ibig 
kapag hinahanap ang akmang salita,
sabihing taimtim: doon sa tahimik. 

Laging nag-uusap ngunit walang lápit, 
pudpod na ang ubod sa kakamamaya
tuwing tinatanong kung ano ang ibig. 

Isinasandali at pasabit-sabit 
itong pagnanais malusaw sa madla, 
sabihing taimtim: doon sa tahimik. 

Banggaan ng tinig habang nakahilig 
sa paniniwalang mayroon pang mukha 
tuwing tinatanong kung ano ang ibig. 

Ilapat ang bibig sa baso’t isanib
ang málay ng laway ay maghihimalang
sabihing taimtim: doon sa tahimik. 

Paubos nang lubos kapag sumasapit 
itong kahulugang di masawata
tuwing tinatanong kung ano ang ibig
sabihin, taimtim: doon sa tahimik. 

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!