PANOORIN: Pagbasa ni Liza Diño ng ‘Mangyari Lamang’ ni Rico Abelardo

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Liza Diño ng ‘Mangyari Lamang’ ni Rico Abelardo
Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Liza Diño upang bigkasin ang tulang ‘Mangyari Lamang’ ni Rico Abelardo

Isang dating beauty queen, artista sa teatro, telebisyon, at pelikula si Liza Diño.

Noong 2014, nagpakasal siya sa dating child star at mang-aawit na si Aiza Seguerra.

Itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Liza Diño upang bigkasin ang tulang ‘Mangyari Lamang’ ni Rico Abelardo. –  Rappler.com

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal

nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig.

Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan

sa mga malabo ang paningin.

 

Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi 

nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani.

Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi

ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.

 

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal 

nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata.

Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli

ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata.

 

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal,

minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal

nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan.

Ipamalas ang katotohanang nasaksihan

nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

 

At sa mga nananatiling nakaupo mangyari lamang

ay dahan-dahang tumalilis papalabas sa nakangangang pinto.

Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang

na nagpalaki ng isang halimaw! 

 

At sa lahat ng naiwang nakatayo mangyari lamang

ay hagkan ang isa’t isa at yakapin ang mga sugatan.

Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan!

 

Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!