Myanmar

PANOORIN: Pagbasa ni Ryan Chua ng ‘Salamin’ ni Allan Popa

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Ryan Chua ng ‘Salamin’ ni Allan Popa
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, binigkas ni Ryan Chua ang isang tulang isinulat ni Allan Popa

Unang nakilala si Ryan Chua bilang isang reporter para sa ABS-CBN kung saan tinutukan niya ang mga balita sa Commission on Elections at Senado.

Hanggang noong 2015, nagpasiya siyang makipagsapalaran sa Beijing bilang isang producer ng mga dokumentaryo para sa CGTN, isang state-run news channel ng China.

Kilala rin siyang tagataguyod ng mga karapatan ng LGBT at masugid na tagasubaybay ng mga isyung pampulitika ‘di lamang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo.

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Ryan Chua para bigkasin ang tulang “Salamin” ni Allan Popa. 

Salamin

ni Allan Popa

Lumingon ako at nakita ko ang sarili
Sa kuwadro ng isang malaking salamin.
Matagal ko nang hindi tinitingnan
Ang sarili dahil sa abala ng paghahanap-
Buhay na naglalayo sa mga gawaing tulad
Ng pananalamin. Marahil, kung hindi ako
Hinarang ng isang salamin, hindi ako
Mapipilitang makita ang sarili sa loob
Ng salamin. Kumiling ako upang umiwas
Ngunit isang salamin ang muling tumambad.
Sa madaling salita, natagpuan ko ang sarili
Sa bulwagan ng mga salamin. Noon ko
Nadama ang sinasabing pagnanais magising
Sa isang panaginip. Hindi ko tiyak kung ako
Ang nasa salamin o kung ako ang nananalamin.
Hindi ako makaalpas! Alam kong ang landas
Palabas ng bulwagan ay nagkukubli sa loob
O likod ng salaming kailangan nang basagin.

 Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!