PANOORIN: Pagbasa ni Raymund Marasigan ng ‘Abakada’ ni Paolo Toledo

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Raymund Marasigan ng ‘Abakada’ ni Paolo Toledo
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, binigkas ni Raymund Marasigan ang isang tulang isinulat ni Paolo Toledo

Isa si Raymund Marasigan sa mga pinakakilala at pinakamalaking musiko ng kanyang henerasyon.

Bukod sa kakayahang gumamit ng iba’t ibang instrumento sa kanyang mga banda at proyekto, patuloy siyang nag-eeksperimento sa mga bagong istilo sa kanyang musika.

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Raymund Marasigan para basahin ang tulang “Abakada” ni Paolo Toledo.

‘Abakada’
ni Paolo Toledo

Aba aba kada banat ng mga bara
Lumalabas ang letra
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa
Tinulak ng serbesa
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta

Aba abakada kumpas ako’y makata
Abakada talata
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata
Hindi namamayapa
Sinabi ko na yata
Abakada sigaw ng tinubuan kong panata
Abakada

Aabangan na nila ang aking lyrisismo
Bababa mula sa langit na parang si Kristo
Kakayanin ba nila ang mga kritisismo
Darating mula sa isang lirikong obispo
Eto ang sagot sa mga nagtatanong
Gagawin na ang lahat ‘wag lang tayo paurong
Hahabulin ang karera sa mundo ng ulupong
Itaya ‘nyo na sa akin ang lahat basta gano’n
Lalamunin ng buhay ang mga letra sa libro
Mamaya na huminga mabubulanan lang kayo
Napasubo, sa mga konseptong ganito
Nganga na naman kayo ‘wag kayong malilito mga
Obra ng maestro gamit ang pagsalita
Pagkatapos pinaagos dumadaloy sa tinta
Ratsada na mga kasamang bwitre at daga
Sama-samang Tatalunin ang mga bUWaYa

Aalisin natin ang akala ng iba
Babasagin ng bathala ang balakid sa mata
Kalayaan, ang sigaw ng aking kataga
Dadalhin kayo sa ilaw, walang mangangapa
Eeeeh bakit ba gano’n nasanay tayo sa dilim
Ganyan tayo magaling, hatakan pailalim
Hanggang, lahat na tayo ay napapapapraning
Iniiwas ang tingin sa mga papapapating
Lalangoy sa tulin, aahunin ko lahat
Mamasilyahin ang lamat ng kagat sa balat
Nasa akin ang kidlat, Ngayon umaangat
Oras nang ilabas ang kontrabida kong ganap
Para para pare, pakipreno pwede please?
Ratratan na mga kasamang ipis at galis
Sasabugan ng mga barang walang tapon at panis
Talata ko’y Unos Wagas sa Yaman at tamis

Aba aba kada banat ng mga bara
Lumalabas ang letra
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa
Tinulak ng serbesa
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta

Aba abakada kumpas ako’y makata
Abakada talata
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata
Hindi namamayapa
Sinabi ko na yata
Abakada sigaw ng tinubuan kong panata
Abakada

 Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!