PANOORIN: Pagbasa ni Katarina Rodriguez ng ‘Bago ang Babae’ ni Rebecca Añonuevo

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Katarina Rodriguez ng ‘Bago ang Babae’ ni Rebecca Añonuevo
Sa Buwan ng Wika, binigkas ni Binibining Pilipinas Intercontinental Katarina Rodriguez ang isang tulang isinulat ni Rebecca T. Añonuevo

Unang nakilala si Binibining Pilipinas Intercontinental Katarina Rodriguez bilang 2nd runner-up ng Asia’s Top Model Cycle 2 noong 2014.

Bagaman noong una ay hindi interesado si Katarina na sumali sa Binibining Pilipinas, unti-unti siyang nagkainteres dahil marami raw nagtatanong sa kanya kung kailan siya sasali.

Bilang isang beauty queen, isinusulong niya ang HIV/AIDS awareness. 

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Binibining Pilipinas Intercontinental Katarina Rodriguez para bigkasin ang tulang “Bago ang Babae” ni Rebecca T. Añonuevo. 

Nagtapos ang makatang si Añonuevo ng kursong AB Literature sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Nagkamit na siya ng samot-saring parangal para sa kanyang mga akda, gaya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Talaang Ginto: Makata ng Taon, PBBY Books for Young Children, National Book Award mula sa Manila Critics Circle, Institute of Creative Writing, at Outstanding Pasigueño Award for Literature and Communication. – Rappler.com

Bago ang Babae
ni Rebecca Añonuevo

Mabuti na lang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na babae.
Hindi ko kailangang manahimik
Kung kailangang magsalita.
Hindi ko kailangang magsalita
Kung nais kong manahimik.
Hindi ko kailangang ipaliwanag
O hindi ipaliwanag ang bawat pagpapasiya.
Hindi ko kailangang sumunod sa inaasahan
Ng lahat, tulad ng pag-aasawa.
Kung mag-asawa man ako’y
Hindi ko kailangang matakot
Kung dumating ang araw ng pagkabalo,
O kailangan nang makipaghiwalay.
Hindi ko kailangang magkaanak ng labis
Kahit kaya kong panagutan.
Hindi ko kailngang malugmok sa lungkot
Sakali’t hindi ako magkaanak.
Kung kailangan ko mang gampanan
Ang pagiging ina at asawa,
Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin,
Hindi ko kailangang panawan ng talino at lakas,
Hindi ko kailangang limutin ang lahat,
Hindi ko kailangang itakwil ang sarili,
Hindi ko kailangang burahin
Na isa akong tao
Bago isang babae.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!