#FloodPH: Mga dapat gawin kapag bumaha

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#FloodPH: Mga dapat gawin kapag bumaha
Dahil maaring maging banta sa buhay ang baha, kailangan itong paghandaan

Ang baha ay ang pagtaas ng tubig mula sa mga daluyan at iba pang katawan ng tubig. Nagsisimula sa mga ito ang baha kapag naipon ang maraming tubig-ulan. Posibleng maging banta sa buhay at ari-arian ang baha kaya’t dapat malaman kung paano ito dapat paghandaan.

Bumabaha kapag may malawakang pagdaloy ng tubig na kumakalat sa lupa. Nangyayari ito kapag hindi na kaya ng lawa, ilog, at iba pang daluyan ng tubig ang dami ng tubig.

Paghahanda bago bumaha 

·      Iwasang magtayo ng bahay sa floodplains at gilid ng ilog

·      Tanggalin ang mga bato, lupa, at iba pang basura sa daluyan ng tubig

·      Siguruhing gumagana ang drainage facilities 

·      Magtanim ng puno at ingatan ang kagubatan, lalo na sa kabundukan

·      Pangalagaan ang mga ilog. Iwasang magtapon ng basura dahil magiging mababaw ito at dadali ang pag-apaw ng tubig.

·      Huwag padaluyin ang septic tank sa mga kanal at ilog

·      Regular na magkaroon ng desilting, dredging, widening, at deepening ng mga ilog

·      Patuloy na tumutok sa lagay ng panahon gamit ang #WeatherAlert page ng Rappler

·      Alamin kung gaano kadalas ang hangin at ulan at gaano kalalim kung may pagbaha sa inyong lugar

·      Alamin ang flood warning system at evacuation plan ng inyong komunidad. Siguruhing alam din ito ng inyong mga kapamilya

·      Magtalaga ng evacuation area para sa mga kasapi ng pamilya at mga alagang hayop

·      Sa naturang evacuation plan, bigyan ng tungkulin ang bawa’t miyembro ng pamilya

·      Magtabi ng mga pagkaing hindi na kailangang lutuin na tatagal ng tatlong araw

·      Maghanda ng battery-operated radio, flashlight, cell phones, emergency cooking equipment, kandila, posporo, at first aid kit

·      Suhuyan ang mga mahihinang bahagi ng bahay

Kapag Nakatanggap ng Babala ng Baha 

·      Bantayan ang mga lugar kung saan posibleng mabilis na tumaas ang tubig baha

·      Makinig sa radyo para sa mga abiso at direksyon sa paglikas at bisitahin ang #WeatherAlert page ng Rappler

·      Magtabi ng malinis na inuming tubig sa mga sisidlan dahil posibleng maputol ang serbisyo ng patubig

·      Iakyat ang gamit sa mas mataas na lugar

·      Kapag inutos ang paglikas, sumunod kaagad. Huwag mag-panic. Pumunta sa evacuation area bago pa man bahain ang daanan patungo rito.

·      Patayin ang main switch ng kuryente at tangke ng gas. Tanggalin ang lahat ng nakasaksak na appliances. Huwag hawakan at gamitin ang anumang de-kuryenteng kasangkapan kapag nabasa na ito o kung nakatuntong sa basang lugar. Siguraduhing sarado ang bahay bago umalis. 

Kapag Baha Na 

·      Manatili sa loob ng bahay o evacuation area

·      Huwag tangkaing tumawid sa ilog o anumang umaagos na tubig na abot hanggang tuhod

·      Huwag lalangoy o mamangka sa mga ilog na umaapaw

·      Iwasang magmaneho sa baha. Ipagpaliban ang mga di-importanteng lakad.

·      Lumayo sa mga bumagsak na poste at iba pang mataas na bagay

·      Maging alerto sa gas leaks. Gamitin ang flashlight sa pag-iinspekto nito.

·      I-report sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils ang mga lugar na binaha. Mag-report din sa #ProjectAgos ng Rappler.

Matapos ang Baha 

·      Maging maingat sa pagpasok muli sa inyong mga bahay. Gumamit ng flashlight sa halip na sulo o gasera dahil posibleng may mga bagay na madaling masunog sa loob nito. Posible ring makapasok ang mga hayop gaya ng ahas.

·      Bantayan ang mga bagay na pwedeng pagmulan ng sunog gaya ng mga putol na kawad ng kuryente

·      Huwag kumain at uminom ng mga bagay na hindi pa nasusuri kung kontaminado

·      I-report ang putol na kawad/kable/tubo (kuryente, tubig, gas at telepono) sa kinauukulan

·      Huwag sindihan ang main switch o gumamit ng appliances na hindi pa nasusuri ng electrician

·      Kumunsulta sa health authorities sa mga kailangang bakuna

·      Huwag mamasyal o maki-usyoso sa lugar na tinamaan ng sakuna upang di makasagabal sa rescue at iba pang emergency operations

– Rappler.com

This material was prepared by the Office of Senator Loren Legarda and edited by Rappler. She is an advocate of climate change adaptation and disaster risk reduction. She also heads the Senate Climate Change Oversight Committee.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!