LIVE BLOG: Salita ng Taon

Michael Bueza

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

LIVE BLOG: Salita ng Taon
Alin sa 13 salita ang hihiranging 'Salita ng Taon' sa Sawikaan 2014?

MANILA, Pilipinas – Idinaraos ngayong Biyernes, Setyembre 26, ang ikalawang araw ng Sawikaan 2014, kung kailan ihihirang ang “Salita ng Taon” ngayong 2014.

Mayroong 13 na salitang kalahok sa timpalak na ito. Ang mga pananaliksik at kaso sa bawa’t salita ay itatampok ng mga nagpasa nito. Matapos ang mga presentasyon, pipiliin ng pamunuan ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ilang imbitadong hurado ang magiging “Salita ng Taon.”

Nominado bilang “Salita ng Taon” ngayong 2014 ang mga sumusunod:

  • bossing – ipinasa ni Frederick Perez
  • CCTV – ipinasa ni Christoffer Mitch Cerda
  • endo – ipinasa nina David Michael San Juan at John Kelvin Briones
  • Filipinas – ipinasa ni Rebecca Añonuevo
  • hashtag – ipinasa ni Mark Angeles
  • imba – ipinasa ni Xavier Roel Alvaran
  • kalakal – ipinasa ni Christine Marie Magpile
  • PDAF – ipinasa ni Jonathan Vergara Geronimo
  • peg – ipinasa ni Jethro Tenorio
  • riding-in-tandem – ipinasa ni Joselito delos Reyes
  • selfie – ipinasa nina Noel Ferrer at Direk Joey Reyes
  • storm surge – ipinasa ni Dr Carlo Arcilla (na ipiprisinta ni RR Cagalingan)
  • whistle-blower – ipinasa ni John Enrico Torralba

Tumutok sa live blog na ito sa baba para sa bawa’t presentasyon ng nominadong salita.

Maaari mo ring “i-like” ang salitang gusto mong manalo sa unofficial Facebook poll ng Rappler.

Isinasaalang-alang sa pagpili ng “Salita ng Taon” ang kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino, ang pagsalamin nito sa kalagayan ng lipunan, ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita, at ang paraan ng pagprisinta nito sa madla.

Maaaring hirangin bilang “salita ng taon” ang mga bagong imbentong salita, mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika, mga lumang salita nguni’t may bagong kahulugan, o mga patay na salitang muling binuhay.

Ang Sawikaan ay idinaraos ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kada dalawang taon. Kasama ng FIT sa pagtaguyod ng Sawikaan ngayong 2014 ang Komisyon sa Wikang Filipino, National Commission for Culture and the Arts, Department of Education, Commission on Higher Education, at Kolehiyo ng Arte and Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Tie, Accessories, Accessory

author

Michael Bueza

Michael is a data curator under Rappler's Tech Team. He works on data about elections, governance, and the budget. He also follows the Philippine pro wrestling scene and the WWE. Michael is also part of the Laffler Talk podcast trio.