PHVOTE 2013

Rappler's coverage of campaigns and elections in the Philippines.

Know the candidates, political parties, power brokers, watchdogs & the voters. This is your site for timely reports, comprehensive data, expert analyses, online conversations, and citizens' collaboration.

Lim, Erap face-off: ‘Napakasinungaling mo’

Jerald T. Uy
Posted on 03/12/2013 1:47 PM  | Updated 03/12/2013 7:07 PM

WHO'S TELLING THE TRUTH. Not one or the other, if we take Lim's and Estrada's word. Photo from Lim's Facebook account WHO'S TELLING THE TRUTH. Not one or the other, if we take Lim's and Estrada's word. Photo from Lim's Facebook account

MANILA, Philippines – They are perhaps among the oldest candidates for any elective post in the 2013 elections, but re-electionist Alfredo Lim and former President Joseph Estrada – both running for mayor of the country’s capital city – traded barbs like teenagers in a street fight.

Also read: When Dirty Harry meets Asiong Salonga

In a debate on ABS-CBN's “Umagang Kay Ganda” on Tuesday morning, March 12, the former-friends-turned-bitter-rivals turned personal, dragging each other’s allegedly drug-involved sons into the picture.

In the instances they tried to discuss concerns in governance – especially how Manila has deteriorated in terms of peace and order and finance management – one didn’t fail to say the other is lying through his teeth, citing their respective accounts of what had happened and the amounts of money involved.

Here are excerpts:


Bakit hindi na dapat mahalal na mayor ulit si Mayor Lim?


ESTRADA: Nakita na naman natin ilang taon na siyang naglingkod sa Maynila. Lumabas ngayon ang findings ng DILG na sa 38 na pinakamaunlad na city sa bansa, pang-36 ang Maynila, ikalawa sa kulelat.

Bakit hindi na dapat mahalal na mayor ulit si Former President Estrada?

LIM: Baka hindi ituloy ang libreng serbisyo ko sa Maynila eh. Sa ospital, edukasyon at may 485 day care centers, libre at walang bayad. May pabahay tayo. Sa peace and order ay nagagawa naman yan at satisfied ang mga tao.

ESTRADA: 'Yung sinasabing libreng gamot ay hindi totoo 'yun, at 'yung mga hospital equipment ay talagang kulang na kulang at talagang mga sira na.

LIM: Kasinugalingan ang sinabi niya. Libu-libo ang nakakatanggap ng libreng gamot sa Maynila.

ESTRADA: Kitang kita sa report ng COA na P3.5-M ang deficit, at ang utang ng Maynila sa Meralco, P872-M. Wala rin allowance ang mga teacher, pulis at mga empleyado.

LIM: 'Yung sinasabi ni Erap ay dinatnan ko na yan eh. Carried over 'yan noong nakaraang administrasyon. Ano ang una kong babayaran? Syempre ang current expenditures.

ESTRADA: Syempre ang prioridad natin ang taong bayan. Paano kung mawalan ng kuryente sa Maynila dahil sa laki ng utang sa Meralco?

LIM: Ang utang sa Meralco ay P225-M na lang. Puro mali ang mga sinasabi niya. Sa katunayan ang utang ng city sa Meralco ay P212-M as of last week. Kaya lang naantala dahil iba't ibang departamento pa ang dinadaanan.

Bakit kayo humantong sa ganito? Totoo bang na kaya kayo nagkasira ni Mayor Lim ay dahil sa kontrata sa basura?

ESTRADA: Walang katotohanan yan. Ang katotohanan ay naawa ako sa kanya dahil natalo siya sa pagka-pangulo noong 1998. Nung kinalaban ako pinatawd ko siya. Nung nagkakagulo na, nagsabi siya sa akin na aayusin niya ang mga pulis tapos ang ginawa niya ay direcho siya Edsa 2 at iniwan ako. Nagpaalam siya sa akin at sinabing aayusin niya ang mga pulis pero iniwan na niya ako. Pinatawad ko na siya doon.

LIM: Hindi na naman totoo yun,. Nagpaalam ako sa kanya at sasabihin ko, kakausapin ko ang mga pulis ko. Tinanong ko ang mga pulis ko kung poprotektahan ba namin si Presidente Erap nila, ayaw nilang protektahan ang nagnakaw sa bayan. Mayroon kasi pa nga siyang ill-gotten wealth na hanggang ngayon ay pinababayaran pa sa kanya.

ESTRADA: Ang sabi niya, humiwalay siya sa akin dahil doon. Bakit noong 2004 ay bumisita siya sa akin sa Tanay at umiiyak siya? Patawarin daw siya sa pagkakamali niya. Sobra ang iyak. Sabi ko, 'tapos na 'yan kalimutan na natin, pagkatapos ay umiiyak pa rin tapos nakiusap na kung pwede siyang makasama sa line-up ni FPJ.

LIM: Kasinungalingan na naman yan. Para ako umiyak ay kapag naalala ko ang lola ko. Pero hindi ako iiyak sa isang kriminal at magnanakaw.

ESTRADA: Napakasinungaling mo. Alam mo, bakit siya pupunta sa Tanay kung sinasabi niya na plunderer ako? Para humingi ng tawad. 'Nung nandyan ako sa Veteran's [Memorial Hospital], hindi niya ako madalaw.

ALLIES ONCE. Now bitter rivals, Manila Mayor Alfredo Lim and former President Joseph Estrada were once close allies and even campaigned together back in 2007. File photo by John Javellana ALLIES ONCE. Now bitter rivals, Manila Mayor Alfredo Lim and former President Joseph Estrada were once close allies and even campaigned together back in 2007. File photo by John Javellana

Papaano masosolusyunan ang safety sa Tondo, Parola?

LIM: 'Yung lehitimong taga-Tondo ay mababait na tao 'yan kaya lang pagkatapos ng giyera ay maraming nagpuntahan doon. Dahil walang makain at trabaho kaya nagkakaroon ng krimen. Tahimik naman ang Tondo marami naman pumapasok. May mga kaso ng krimen kahit saan naman ay mayroon 'yun eh.

ESTRADA: Papaano mareresolba ang criminality? Hungry stomach knows no laws at ang mga pulis ay involved sa robbery, kidnapping.

LIM: Mali naman ang sinasabi niya. Ang mga pulis na involved sa kidnapping ay ako ang nagpa-aresto noon eh.

ESTRADA: Ang pinakamagandang halimbawa ay nagpipintura siya na galit siya sa drugs pero ang anak niya ay nahuli dahil sa drugs.

LIM: 'Yung anak ko totoo na naging addict yan eh. 'Yung anak niya, nambugbog ng babae, naasunto dahil din sa drugs.

ESTRADA: Ang natanggal ay yung umaresto sa anak niya. 'Yun ang ibig niyang sabihin. Ano ang nangyari sa kaso ng anak niya? May pintura-puintura pa sa mga bahay pero ang totoo ang anak niya ang involved sa drugs.

LIM: Naabswelto ang anak ko dahil ang mga nanghuli sa kanya ay may record sa PDEA na nagtatamin ng drugs. At saka ang mga yun ay naaresto dahil sa reklamo sa Laguna

ESTRADA: Ang Maynila ngayon ay pugad ng kriminal ayon sa findings ng DILG at yan ay papatunaan na ang peace and order ay involve ang ang mga pulis.

Ano ang inyong reaksyon sa disqualification case laban sa inyo?

Also read: Court says Erap can run for Manila mayor

ESTRADA: Bakit hindi ako [taga-Maynila]? Ako'y sinilang sa Tondo. Ewan ko s'an siya. Sa Manugid Maternity Hospital ako isinilang. Sa Tondo rin ako sumikat.

LIM: Pareho naman tayo na sa Tondo pinanganak. Ang mga tao dyan kapag ako ay nakikita ay mainit akong sinasalubong. Ang Maynila ay isa sa pinakaligtas na syudad sa bansa.

ESTRADA: Kaya ko dinala ang mga papeles na ito bilang katunayan.

LIM: Kung maipakita ko na pinanganak ako sa Tondo, aatras ka ba? Kapag hindi ko naipakita ako ang aatras. Kahit bukas ay ibibigay ko.

ESTRADA: 'Wag ka masyadong maghahamon.

LIM: Dahil sinungaling ka eh. Sabi mo hindi ako pinanganak sa Tondo. Kapag napakita ko ang birth certificate ko na pinanganak ako sa Tondo, aatras ka ba?

ESTRADA: Teka muna, naiiyak na.

LIM: Hindi ako naiiyak. Galit na galit ako dahil kasinugalingan ang sinasabi niya.

ESTRADA: Ang sinasabi ko lang na ito ang birth certificate ko. Kasi ito, lahat ay hinahamon. 'Yan din ginawa niya kay Vice Mayor [Isko Moreno]. Halal na mga tao, pina-aresto niya dahil sa bingo.

Totoo bang nagpadala kayo ng P2-M kay Erap?

LIM: Hindi totoo 'yan. Gusto niya na ibigay ang kontrata sa kaibigan niya. Sabi niya, dapat ibigay ko doon kaso hindi naman yung sumama sa bidding. Mr. President, mayroong Procurement Law.

ESTRADA: Kailan man walang kontra-kontra. Pumunta siya ng Amerika, pinabaunan pa siya, 'di niya aaminin 'yun. May administration ng basura. Wala 'yung bidding-bidding na sinasabi niya. – Rappler.com



This story makes people happy
How did this story make you feel?

More Stories