FULL TEXT: Mar Roxas: ‘Tagumpay ng bawat pamilyang Pilipino’

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FULL TEXT: Mar Roxas: ‘Tagumpay ng bawat pamilyang Pilipino’

PCOO-MALANANG

Read the full text of Liberal Party standard-bearer Mar Roxas' proclamation speech at the Capiz Gymnasium in Roxas City, Capiz, on February 9

MANILA, Philippines – Former Interior and Local Government Manuel “Mar” Roxas II launched his bid as standard-bearer of the ruling Liberal Party in his home city of Roxas in Capiz on Tuesday, Friday 9.

Speaking in a mix of Ilonggo and Filipino, Roxas cited the progress that he said the country attained under the administration of President Benigno Aquino III. As he had been saying in his sorties and other public events, he promised on Tuesday to continue and expand the “Daang Matuwid” (Straight Path) principle of governance.

Here’s the full text of his proclamation speech:

  

Mr President, Vice President Leni, sa ating mga kasama at kasangga sa Senado, led by Senate President Franklin Drilon, mga pinalangga nga kasimanwa, mga kauturan, mga Ilonggo nga ari diri subong, sa aton mga anay kaupod sa gabinete, sa kay Speaker nga sang bilog nga Kamara de Representante, Sonny Belmonte, sa tanan na mga kongresista nga halin sa sobra ka layo nga mga lugar kag nag kadto gid diri sa aton sa sini nga adlaw.

Governors, mayors, of course, ka aton mayor, Mayor Alan Celino, Congressman Tony del Rosario, Congressman Castro, sa aton nga mga lingcod-bayan, sa inyo tanan mga pinalangga nga kasimanwa:
 
Maayong udto gid sa aton tanan kag madamo gid nga salamat sa inyo nga mainit nga pagbaton sa akon sa sini nga adlaw. 
 
Mr President kung papayagan ho ninyo, mga kasimanwa ari na gid kita! indi na gid mapunggan, daog na gid kita! Nagtipon kita diri subong nga adlaw para sa liwat nga pagsugod sang aton causa, sang aton nga pag pakigbato para sa matarung, para sa malinong kag mainuswagon nga buwas damlag, amo na ang Daang Matuwid, amo na ang aton nga gina tulod.

Ang sabi ko po sa ating mga kababayan na nagtipon po tayo dito para muling sariwain, muling ilunsad ang ating patuloy at walang-sawang paglaban para sa katarungan para sa kaayusan at para sa ating kaunlaran, ‘yan ang Daang Matuwid. 
 
Malaking karangalan po para sa amin dito sa Capiz na ang ating mga pinakamatataas na lider sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ay nagsipunta po rito sa ating maliit na probinsya—isang bayan na madalas malaktawan at siguro pinakakilala sa buong Pilipinas bilang pugad ng mga aswang. 

Malaking karangalan po para sa amin na nagsidalo po kayo lahat dito sa araw na ito, sa ating paglungsad ng panibagong yugto ng ating laban para sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid. Palakpakan po ang Daang Matuwid. 
 
Matagal na nating ginagawa itong laban na ito. Magmula nang itinatag ang ating bansa, sa bawat henerasyon, may mga kababayan tayo na naninindigan, nagsusumikap, nagsasakripisyo, at kung minsan, nagbubuwis ng dugo para sa kapakanan ng ating mga kababayan at ng ating bansa.
 
Tatlongpung taong nakalipas ang sigaw natin, “Tama na, sobra na, palitan na!” Limang taong nakalipas, ang sigaw natin, “Patalsikin natin ang isang tiwaling gobyerno at pamunuan na mandaraya, magnanakaw, at sinungaling.” Babalik pa ba tayo doon? Babalik pa ba tayo sa baluktot at tiwaling nakalipas? 
 
Noong 2010, pumili tayo ng isang lider, isang pamumuno na tapat. Isang lider na tuwid, isang lider na tumututoo sa atin, President, PNoy Aquino. Palakpakan po natin. Ang resulta – ang dating Sick Man of Asia, ang bansa nating tinatawag na lumpo, may sakit, hindi nakakasabay sa agos ng panahon – ngayon, ang tawag sa atin ay Asia’s bright star, Asia’s new tiger. Sa madaling salita, ‘yan ang Daang Matuwid, ‘yan ang ipinaglalaban natin.
 
Kaya naman sa yugtong ito, sa kabanatang ito na inilulunsad natin sa araw na ito ang ating sigaw, “Ituloy! Itaguyod! Palawakin!” At tama lamang ito dahil kitang kita sa iba’t ibang panig ng ating bansa ang kaginhawaan, ang progreso na narating na natin at marami pa na mapagtatagumpayan pa namin. ‘Yan ang Daang Matuwid. 
 
Para sa mga hindi pa nakakaalam, paano natin ipagpapatuloy ang Daang Matuwid? Simple lang. Ang programa natin ay nakatutok sa tagumpay ng bawat pamilyang Pilipino. Sisiguraduhin natin na ang bawat pamilya ay malaya sa gutom, malaya sa takot, at malayang mangarap. ‘Yan ang ating ipinaglalaban, ‘yan ang alam ko, ‘yan ang kaya ko, at ‘yan ang gagawin nating lahat.
 
Kalayaan mula sa gutom. Freedom from hunger. Ang ating sagot – trabaho, pagkakakitaan. Lilikha tayo ng trabaho sa manufacturing sector. Aakitin natin ang mga mamumuhunan na dito sa ating bansa na magpatayo ng mga pagawaan ng mga pabrika at dito sila makakapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Nagawa ko na dati ito, at sigurado ako, magagawa natin ito muli. 

Lalo pa nating papalaguin ang IT-call center BPO industry, na ngayon meron nang mahigit isang milyong tao na nagtratrabaho doon sa sektor na iyon. Itong industriyang ito, mahigit $20 bilyong ang pinapasok sa ating bansa. Nagawa ko na ito dati; sigurado ako magagawa natin ito muli. 
 
Lalo pa natin papalaguin ang tourism sector, isa ito sa pinakamabilis na paraan sa paglikha ng trabaho at masisiguro natin na kakalat ang kaunlaran sa lahat ng panig ng ating bansa, yan ang ating tatrabahuin.
 
At para sa kanayaunan, tulad ng ating probinsya ng Capiz, ilulunsad natin ang “Daang Matuwid Bukid Revolution” para sa higit na pag-unlad ng ating mga magsasaka at ng agri-fishery sector. Hindi kayo maiiwanan. Merong tatlong bahagi itong bukid revolution. Simpleng-simple lang po ito. Nasimulan na, lalo pa nating itutuloy at papalawakin: 
 
Una, murang pautang para di mauubos sa mataas na interes at amortization ang kinikita ng ating mga magsasaka at mangingisda. Pangalawa, mas marami pang imprastuktura para mas madali at sariwang maparating sa mga malalaking pamihilihan ang mga produkto nila. At pangatlo, dagdag pa more na mga postharvest facilities tulad ng mga thresher, dryer, chillers para mas malaki ang recovery ng inaani nila. ‘Yan ang ating Bukid Revolution. Ang resulta nitong lahat, mas malaking kita at take home para sa ating mga magsasaka at mangingisda. Sa madaling salita, ‘yan ang pagpapatuloy ng Daang Matuwid. ‘Yan ang ipinaglalaban natin. 

Pangalawang kalayaan, pangalawang tutukan natin, ay kalayaan mula sa takot. Ang ating sagot: katiyakan. Katiyakan sa tinitirhan. Paparamihin pa natin lalo ang mura at disenteng mga pabahay sa mga walang tinitirhan. Katiyakan na kapag nagkasakit ka, may sasagot sa pagpapagamot sayo, papalawakin pa natin ang coverage ng Phil Health. Katiyakan kapag may unos ng kalamidad, meron kang masasandalang gobyerno na hindi bibitiw sa inyo. ‘Yan ang ating Daang Matuwid. 
 
Katiyakan, na ‘pag meron nang-api, o nang-abuso sa inyo, meron tayong kapulisan at sistema ng katarungan na huhuli, mag-iimbestiga, lilitis at magkakalaboso sa mga salarin – ‘yan ang ating Daang Matuwid.

At katiyakan na lahat ng bahagi ng ating bansa ay makakasama sa ating kaunlaran at development. Walang mapag-iiwanan, walang makakalimutan, papalawakin pa natin ang Bottom Up Budgeting hanggang sa halagang P100 bilyong, para lahat ng bayan, lahat ng barangay, ay kasama sa ating development. Sa madaling salita, ‘yan ang Daang Matuwid at ang kanyang pagpapatuloy na siyang ipinaglalaban natin.  
 
Kung ang unang kalayaan ay kalayaan mula sa gutom, at ang pangalawang kalayaan ay kalayaan mula sa takot, ang pangatlong kalayaan, ang pangatlong tututukan natin, ay ang kalayaan para mangarap. 
 
Ang ating sagot: pag-asang makakaahon sa kahirapan ang ating mga pamilya. Pag-asang makakapag tapos ng pag-aaral ang ating mga anak. Kaya meron tayong 4Ps dedepensahan natin ang 4Ps, itataguyod natin ang 4Ps, papalawakin pa natin ang 4Ps para mas marami pang pamilya sa ating bansa ang makakarating sa araw tulad na ito na makikita nila ang kanilang mga anak na aakyat sa entablado, makakatangap ng diploma bilang unang konkretong yapak tungo sa mas maunlad na pamumuhay. ‘Yan ang ating Daang Matuwid. ‘Yan ang ipinaglalaban natin.
 
Mga kababayan, malinaw ang ating ipinaglalaban. Kongkreto ang mga plano at gawain na isinusulong natin. Nasimulan na natin ito, napagtagumpayan na natin ito, at malayo na ang ating narating. ‘Yan ang Daang Matuwid. [Palakpakan]
 
Hinihingi ko po ang inyong tulong, hindi lamang para sa akin. Hinihingi ko po ang inyong tulong para sa kay Vice President Leni Robredo. Palakpakan po natin. Tulong para sa kay Senate President Franklin Drilon. Tulong para sa galit sa buwaya, TG Guingona. Tulong para sa simbolo at tagapagtanggol ng ating sistema ng katarungan, Leila de Lima. Tulong sa sa isang mahusay na lingkod bayan, Mark Lapid. Tulong para sa isang taong parating naninindigan sa anti-corruption, Ping Lacson. Tulong para sa isang tao na siyang nagsusulong ng kapayapaan, ng kalinungan, sa ating buong bansa, Ina Ambolodto. Tulong para sa simbolo sa leader ng movement para sa mga kooperatiba sa ating buong bansa, [Cresente] Paez. Tulong para isang lingcod-bayan na nakita natin sa Senado, nakita natin sa Ehekutibo, mahusay ang kanyang performance, Kiko Pangilinan. Tulong pubulig para sa isa sang aton na kasimanwa – Hontiveros ini siya tagapanitan, tagagulasi aton nakasimanwa, Riza Hontiveros. Tulong sa isang tao na nakakaunawa at marunong at tutulong sa pagpapababa ng presyo ng kuryente, Icot Petilla. At tulong para sa isang tao na mahusay at eksperto sa Finances at Economics ng ating bansa, Ralph Recto. 

Hinihingi ko po ang inyong tulong para sa ating causa. Samahan niyo po kami sa pagtataguyod, sa pagsusulong ng pagpapatuloy ng Daang Matuwid. Dalhin natin sa bawat bayan, bawat barangay, bawat sitio, bawat dako ng ating bansa ang magandang balita, ang mga napagtagumpayan, at ang maunlad na patutunguhan ng Daang Matuwid. 

Hindi magiging madali itong laban na ito. May mga kababayan tayo na nagnanais na bumalik sa baluktot na nakaraan dahil dito sila yumayaman o humuhugot ng kapangyarihan. Gagawin nila ang lahat, lahat ng paraan gagamitin nila kasama na mga black propaganda, kasama na mga pagsisinungaling, kasama na ng panloloko para paghiwalayin tayo, para sirain ang ating tiwala sa isa’t-isa. Pero, ganito naman talaga ang lahat ng laban para sa tama. Bukas natin, kinabukasan natin, ang nakataya dito. Hindi basta-basta itong laban na ito. This is a fight worth fighting. Hindi tayo magpapatalo sa mga abusado, sa mga manloloko, at higit sa lahat, hindi tayo magpapatalo sa mga magnanakaw! 

Sigurado ako na panatag ang ating kalooban, na matibay ang ating paninindigan at malakas ang ating samahan. ‘Yan ang ating samahan sa Daang Matuwid. 

Nakikita ko na namamayagpag ang dilaw dito sa Capiz ngayong araw na ito. Ibig sabihin, hindi tayo nag-iisa sa laban na ito. Isang paalala lang po: itong ating pagsuot ng dilaw ay hindi dahil pamoda o pauso lang. Nakasuot tayo ng dilaw dahil ito ang ating uniporme. Tayo ang sundalo ng Daang Matuwid. [Palakpakan] Dilaw ang kulay ng ating prinsipyo. Dilaw ang kulay ng ating paninindigan, at dilaw ang kulay ng ating tagumpay. 

Bago po ako magtapos, nais ko lang muling pasalamatan ang lahat ng mga matataas na opisyal, pinangunahan ng ating Pangulo, na binigyan tayo ng kahalagahan. Pumunta sila dito sa ating munting lugar na Capiz. [Palakpakan]
 
Huwag ho kayong matakot, mababait ang mga aswang dito sa amin.  

Sa inyong lahat po, ipagpatuloy natin ang Daang Matuwid na siyang naghatid sa atin sa kaginhawahang natatamasa na natin ngayon, at mas malayo pa, mas marami pa ang mararating natin.
 
Mabuhay ang Daang Matuwid! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat! Magandang tanghali sa ating lahat!

Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!