#UnsentLetters: It’s not you, it’s me

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: It’s not you, it’s me
Minsan nga andaming kong what if. What if ganito ginawa ko, o what if ganito sinabi ko, baka hindi mo ako iniwan

Unsent  Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. Rappler publishes Unsent Letters every Saturday.

“It’s not you, it’s me.”

Inis na inis ako sa linyang yan. Napaka cliché kasi at kahit dati pa naiisip ko na medyo kalokohan lang yan, yun tipong sinasabi pag hindi masabi yung gusto talagang sabihin.  So nung sinabi mo yan sakin dati hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa.  Gusto kong itanong, “Seryoso ka ba?!” Pero sa pagkakatanda ko iba ang sinabi ko sayo, siguro isa sa mga mahahabang text messages ko na medyo emo (bordering on corny) pero puno ng tunay na emosyon at pagmamahal.  Mahal na mahal kita noon, hanggang ngayon pa rin naman, kaya siguro kahit gusto ko humirit noon tungkol sa linya na ginamit mo, hindi ko na nagawa kasi nangibabaw yung sakit na naramdaman ko.

Hindi ako makapaniwala na nasabihan ako ng linya na yun, at galing sayo pa. Ayaw kong maniwala na wala akong ginawang mali, kasi ayaw kong maniwala na ganun na lang basta nawala yung pagmamahal mo sakin.  Alam ko at naramdaman ko na hindi yun mababaw. At saka dalawa naman tayo sa relasyon na yun diba?  So hindi pwedeng wala akong kinalaman sa mga nangyari.

Hindi ko rin alam bakit madali sakin sabihin na ako yung nagkulang, baka kasi perpekto yung tingin ko sayo.  Kulang na lang ibalik ko sayo yung linya at sabihing “No, it’s me.”  Ngayon pag iniisip ko, marami nga naman talaga akong nagawang mali.  Sobra kong clingy at hinayaan kong umikot ang mundo ko sayo.  Minsan kahit sarili ko at mga iba kong mahal sa buhay napabayaan ko na kasi sobra akong nakatutok sa relasyon natin.  May panahon na sobra kong madrama na maiiyak ako dahil hindi lang tayo magkikita.  Sabi nila love brings out the best and worst in people, totoo pala.

Nasabihan nga ako dati ng kaibigan ko na masyado akong available.  Hindi ko kasi mapigilan, para akong naadik sayo. Siguro dahil first time ko talaga ma-in love, at naging sobrang saya ko.  First time ko rin magka-girlfriend, sa wakas lumabas na ang isang katotohanan sa sarili ko na ilang taon ko ring tinago. Naalala ko dati nasa kwarto kita nakahiga sa kama, tapos nasa balcony ako nagyoyosi, tapos naisip ko talaga na ang swerte ko, tapos bigla akong natakot kasi paano kung mawala ka. 

Pero minsan, naiisip ko na baka tama ka rin.  It’s you.  May nagtanong sakin dati, nung nagkakalabuan na tayo, kung naramdaman ko na I’m being taken for granted.  Kunwari pa ko nun, sabi ko “Medyo” at sinabi ring marami ka kasing pinagdadaanan at busy sa trabaho.  Pero oo, sa totoo lang napabayaan mo ko.  May mga araw nung tayo pa na pakiramdam ko single ako.  Nung nalaman ko na may plano kang pumunta sa ibang bansa, nasaktan ako kasi ilang buwan na lang yun bago ka umalis.  Parang hindi mo man lang ako naisip at kung anong meron tayo.  Naiintindihan ko rin na hindi tayo parehong out, pero minsan pakiramdam ko na hindi ka proud na makasama ako.  Hindi ko rin naman masabi kung ganun nga, pero yun yung naramdaman ko.

Hindi ko to sinasabi para sisihin ka o ang sarili ko.  Meron tayo parehong mga naging pagkukulang.  Minsan nga andaming kong what if… what if ganito ginawa ko, o what if ganito sinabi ko, baka hindi mo ako iniwan.  Baka magkasama tayo ngayon, nanonood ng movie habang magkayakap sa couch tulad ng dati.  Pero minsan nakakapagod na rin. 

Balang araw sana mapatawad ko na sarili ko sa mga nagawa ko at sa mga hindi ko nagawa.  Sana matanggap ko na lang na ginawa ko naman yung best ko nung mga panahon na yun. Kung kailangan, sana mapatawad mo rin ang sarili mo.  Alam ko namang hindi mo sinasadyang saktan ako.  Kung nasaktan rin kita, hindi ko rin sinasadya.   

At gusto ko lang na malaman mo, it wasn’t just you, it was us. – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!