#UnsentLetters: Parang Sugat

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: Parang Sugat
'Parang sugat na pagaling na, tapos kinamot mo ulit. Dudugo, sasakit.'

Unsent  Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. Rappler publishes Unsent Letters every Saturday.

“Kakabisaduhin ko na nga ‘tong mga ‘to.” Sabi mo, habang pinipindot isa-isa ang switch ng ilaw. 

Nakakatuwa. Pakiramdam ko hindi yun ang huling pagkikita natin. Na may susunod pa, na para bang may paniguradong makakasama kita uli. 

Kaso, nagpasya kang umalis uli. Pang-ilang beses na din ito, pabalik-balik tayo sa simula. Magiging magkaibigan pero dun din magtatapos. Ngayon, hindi lang ikaw. Ako din. Ngayon, hindi kita hinabol. Hindi kita pinilit na maparito. Hindi kita sinundan o sinamahan. Umalis na din ako.

“Love is not selfish,” sabi mo nga.

“Ang selfish din, kasi ginawa mong paraan ang pagbitaw sa ating dalawa dahil sa tingin mo na yun ang ikakaayos ng lahat ng problema natin,” gusto ko sana sabihin pabalik. Pero ang nasabi ko na lang ay, “Gusto ko lang maging masaya ka. Ako man o hindi ang dahilan.” 

Para bang asa byahe tayo tapos parehas tayong napatigil sa isang lugar, pero hindi parehas ang pupuntahan natin. Nakausap, nakasama, nakatawa, nakakwentuhan. Natanong nga mga bagay na nasagot na dati. Nahalikan, nayakap, nahawakan ang mga kamay. Pero nung nagtagal, dumilim. Kailangan na umalis at ipagpatuloy ang byahe ng bawat isa bago pa maabutan ng malakas na ulan na baka ikalunod pa.

Hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko maiwasang maglabas ng lungkot at humagulgol. Na para bang bumalik yung bagyo na nadulot mo noon, yung pakiramdam na parang nadudurog ka sa sakit. Akala ko hindi ko na to mararanasan uli, akala ko kung mauulit man uli ang pag-alis mo, hindi na magiging ganito kasakit. Hindi pa pala ako nakakabangon sa pinsala na ginawa mo noon. Parang sugat na pagaling na, tapos kinamot mo ulit. Dudugo, sasakit.

Ang pinagkaiba lang sa ngayon at noon ay ngayon, handa na ako. Meron na akong payong. Meron na akong Bandaid. Sila ay ang pamilya ko, mga kaibigan ko, etong pagsusulat ko. Mga bagay na hindi ko napapansin dati na makakapagpasaya pala sa akin, at magiging kapote ko.

Hindi man ngayon o bukas, pero alam ko dadating din yung araw na mauubos ang tinta ko sa pagsulat tungkol sayo, ang aking Magandang Alaala. – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!