#UnsentLetters: Distansya

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: Distansya
'Minsan, may mga taong katabi mo na pero pakiramdam mo nasa ibang mundo. May mga tao naman na talagang malayo sa 'yo pero pakiramdam mo parang nasa tabi mo lagi'

Unsent  Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. Rappler publishes Unsent Letters every Saturday.

Sa mga panahong kinailangan ko ito, binigay mo naman ng buong puso.  Humingi ako ng konting distansya hindi para mapalayo sayo ngunit para maisip mo ang mga rason kung bakit gusto mong malapit ako sa iyo, lalo na sa puso mo. Hiningi ko ito para mahanap ko ang sarili ko, pero ikaw naman ang nawala sakin. Hiniling ko ito para sana pagbalik ko, matanggap at mahalin mo na ako ng buong puso. Kaso pagbalik ko, ikaw naman ang nawala.

Konting panahon lang na nawalay sayo, hindi nagparamdam, nakausap o nagpakita. Konting panahon lang at parang nakalimutan na ako. Ako naman ay nagpaalam at hindi naglaho ng parang bula. Ako rin naman ay naghabilin na babalik din naman. At ngayong bumabalik na ako, ikaw naman ay parang umuurong. Para bang bumibitaw na at unti-unting nagpapakawala. Ako lang naman ay nagtataka, ganoon ba ako kadaling pakawalan?

Pagbalik ko sinubukan kong lumapit sayo, ginawa ko ang lahat para lang maramdaman mo na nandito na ulit ako, handa kang mahalin. Pinaramdam mo na nandyan ka nga katabi ko pero ang utak mo kung saan-saan na napadpad. Ang distansyang mayroon tayo noon para bang lumalawak sa bawat araw na lumilipas. Para bang isang alon na pilit akong pinapalayo sayo, o ihip ng hangin na sadyang nililipad ka papalayo sakin. Nawala lang ako ng sandali, pero bumalik naman ako. Bakit nararamdaman ko na parang ako ay nawawala pa rin?

Isang kilometro ang layo natin sa isa’t isa noon. Isang sakay lang ng jeep at konting lakad maabot na kita. Kaso ang pakiramdam ko hindi lang iyon ang layo natin sa isa’t isa. Sinubukan ko ilapit sayo ang sarili ko. Sinubukan ko kaso ikaw kusa ang nagpapalayo. Hindi ko maisip kung bakit. Hindi ko maisip kung dahil saan. Hindi ko maisip, ganoon nga ba talaga ako kadali layuan?

Ngayong malayo ka na talaga hindi ko halos maisip kung hanggang saan ang kaya kong gawin para lang maabot ka. Ngayong wala ka na hindi ko halos maisip kung ano pa ang dapat gawin para lang maramdaman ko na parang nandyan ka pa din. Ngayong talagang may distansya na talaga baka hindi na sapat ang mga salita para lang mapuno ang  guwang sa ating dalawa.

Labing-isang libo, dalawang daan at pitongpung kilometro ang layo natin sa isa’t isa. Isang karagatan, higit kumulang limampung bansa ang namamagitan satin, pero hindi ako titigil maabot lang kita. Hindi ako magpapaapekto sa kung anong oras diyan at dito. Hindi ako magpapapigil kung gabi man diyan at umaga na dito. Hindi ko pinapansin kung paakyat pa lang ang araw diyan at palubog na dito. Hindi ko iniisip na malayo ka, para sakin maabot pa rin kita.

Ang distansya wala naman yan sa kilometrong layo. Minsan, may mga taong katabi mo na pero pakiramdam mo nasa ibang mundo. May mga tao naman na talagang malayo sayo pero pakiramdam mo parang nasa tabi mo lagi. Gusto ko lang naman iparamdam sayo na hindi ako sumusuko. Na kahit anong puyat ko makausap ka lang ay hindi ako magpapaapekto. Dahil nakaranas na ako magmahal ng isang taong kahit katabi ko lang ay parang hindi ko makausap ng matino. Ngayon hindi na ako magpapadala sa distansya o layo na sinasabi nila. Dahil ngayon nagmamahal ako ng taong milya o libo man ang layo pero alam kong malapit sa puso ko. Alam kong nandiyan lang kapag kinailangan ko.

Ngayon lang ako nagmahal ng taong naabot ko. Pero, sana mahal niya rin ako. – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!