#UnsentLetters: Para Kang Magnet

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: Para Kang Magnet
'Para kang magnet, masyado ako na-attract sa iyo. Hindi ka naman ganon ka-attractive pero Mahal, nakukuha mo ang atensyon ko'

 

Unsent  Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. 

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos rin ng aking luha. Kasabay ng mga kulog ay tila ba magugunaw na ang mundo ko. Kasabay ng kidlat ay tinamaan ako sayo nang malakas. Kasabay ng paglisan ng mga bituin sa umaga ay ang paglisan mo rin sa akin, Mahal.

Para kang magnet, masyado ako na-attract sa iyo. Hindi ka naman ganon ka-attractive pero Mahal, nakukuha mo ang atensyon ko. Noong una’y hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kaso tumagal, nahulog na ang loob ko. Sabi ko na nga ba eh, bibigay rin ako. Sabi ko na ako rin mismo ang sisira sa pader na ginawa ko. I took the risk. Dahil sinabi mong hindi mo na ako sasaktan. Sinabi mo ulit ang mga salitang iyan. Eh ako naman si tanga, naniwala. Syempre mahal kita eh. Kahit ano maibalik ka lang sa akin papatulan ko. Kahit anong kapalit handa kong ibigay maramdaman lang ulit yung pagmamahal mo. Isusugal ko lahat marinig lang ulit yung boses mo. Handa akong magpakatanga ulit para lang mahalin mo. 

Ganyan kita kamahal, tinaya ko na lahat ng meron ako. Lahat para sayo. Lahat nakadepende sayo. Minahal mo ulit ako. Alam mo bang daig ko pa ang nanalo sa bingo. Cliché pakinggan pero ako na ata yung pinakamasayang tao. You have made my life a colorful one again, Mahal. Masaya tayo sa una. Pero syempre, katulad ng mga ibang relasyon, nag-aaway tayo. Tampuhan na walang kibuan. At syempre konting suyo mo lang bumigay na naman ako. Ano ba kasing meron sa iyo na hindi ko matiis? 

Sa sobrang saya natin Mahal umabot tayo sa pagplano ng hinaharap. Nakita na natin ang hinaharap na mayroon pa ring tayo. We made future plans thinking we could go that far, Mahal. Sa kasal, mga anak, design ng bahay pati sasakyan natin naplano na. Oras na lang ang hinihintay natin. Sa wakas, nag-agree si destiny sa mga plano ko. Sa mga plano kong kasama ka. 

Pero bakit ganon, Mahal? Kung kailan sigurado na tayo sa isa’t isa. Kung kailan handa na akong talikuran ang lahat, makasama ka lang. Kung kailan desidido na tayong harapin ang bukas ng magkasama, bumitaw ka. Iniwan mo ako ng walang pasabi. Bigla na lang nagbago ang lahat. 

Bumaliktad ang mundo. Hindi na nag-agree si destiny. Bigla na lang tumigil ang komunikasyon. Para bang walang nakakasalubong sa hagdan ng paaralan. Akala mo multo lang ang dumaan. Pinatay mo ako nang dahan-dahan. Hindi ko man lang alam kung bakit. Hindi ko man lang alam kung saan nagkamali. Parang nagka-amnesia ka at bigla mo na lang akong hindi kilala. 

Lumipas ang ilang araw, nakikita pa rin kitang masaya na sa piling ng iba. Masaya na sa piling niya. Sa piling ng taong sinabi mo na hindi mo kailanman magugustuhan, dahil sabi mo diba na ako lang? Ayun, ako na naman si tanga naniwala sayong gago ka. Pero sige, dyan ka masaya. Sino ba naman ako para pigilin ka di ba? Ako lang naman itong minahal mo ng halos tatlong taon. Pero ganun kadali sayo para itapon lahat. 

Buwan na ang nakalilipas nang iwan mo ako, pero eto pa rin ako nandito kung saan mo ako iniwan, nagbabakasakali na isang araw magising ka at maisip na mahal mo pa rin ako. Oo umaasa ako. Umaasa ako sa mga bagay na alam kong malabo pero wala akong magagawa, masakit na rin naman eh. Sobrang sakit. 

Mahal, eto pa rin ako, handang tanggapin ka. Eto pa rin ako, nagbabakasakali na mahalin mo ulit. Muli akong susugal, muli akong tataya at kahit ano, handang ibigay para sayo. Kahit ano handa kong pakawalan maibalik ka lang. Ganyan kita kamahal. Sana alam mo na etong tangang to, eto lang nakakapagtiis dyan sa kagaguhan mo. I have seen all your flaws yet I still love you. 

Mahal, sana bumalik ka na.

Promise this time it’s going to be better with me. – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication. 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!