fashion shows

Para kay Diamond, ang baklang nagtanong sa ‘Eat Bulaga’

Shakira Sison

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Para kay Diamond, ang baklang nagtanong sa ‘Eat Bulaga’
'Ipaliwanag mo sa mga anak mong may iba't ibang klase ng tao sa mundo, at minsan pinagmamalupitan tayo ng mga nasa paligid natin dahil sa iba ang kilos at hitsura natin kaysa kanila'

Dear Diamond, 

Sana sa ‘kin ka na lang nagtanong. Sana tinimbrehan mo ako sa Ask.fm o kaya nagparamdam ka man lang. Sana tinanong mo ako ng inosente mong tanong bilang isang mapagmahal na ama. Sana ako na lang ang nagkaroon ng pagkakataong sumagot sa iyo.

Kasi, unang-una, sasabihin ko sa iyo na tama kang maging proud sa pagiging bakla mo. Oh my god, ang ganda-ganda mo nga nung nakita kita sa video na kinikilatis ngayon ng social media. Sabi mo, dati ka pang beki, pero nahulog ang puso mo sa isang babae at nagpasya kayong magpakasal at magkaroon ng tatlong anak. 

Napakalaki ng paghanga ko sa iyo sa desisyon mong bumuo ng isang pamilyang puno ng pag-ibig at respeto sa isa’t isa. Hindi madali ang magkaroon ng pamilya sa katulad natin, kaya saludo ako sa iyo na may malasakit ka talaga sa mga anak mo at humingi ka ng payo sa mga taong hindi karapat-dapat sa atensyon mo.

Hindi ako bakla, at hindi rin ako magulang. Pero alam ko ang karanasan ng isang batang iba sa kanyang mga kaklase, o may magulang na iba ang kilos at pagkatao. 

Alam ko rin ang mga pagdurusa ng mga beking katulad mo. Araw-araw silang tumatakbo sa akin dahil sa panunukso ng mga kaibigan nila, pagtakwil sa kanila ng mga magulang, at ang pinakamalungkot sa lahat: ang kagustuhan nilang tapusin na lang ang kanilang buhay kaysa harapin ang diskriminasyong dala ng pagiging isang bakla. 

Gusto kong sabihin sa iyo na walang mali sa iyo. Ikaw ay perpektong likha ng diyos mo at wala kang dapat ikahiya, itago, o ikalungkot sa pagkatao mo, sa pagkilos mo, o sa pananamit mo. Sa lahat ng binanggit mong suliranin at pag-aalala sa mga anak mo, wala kang kailangang gawin kundi ito: mahalin mo ang mga anak mo.

Ibigay mo sa kanila ang lahat ng pagmamahal na kaya mong ibigay. Turuan mo silang maging mapagmahal katulad mo, at marunong rumespeto ng kapwa nilang tao. Ipaliwanag mo sa mga anak mong may iba’t ibang klase ng tao sa mundo, at minsan pinagmamalupitan tayo ng mga nasa paligid natin dahil sa iba ang kilos at hitsura natin kaysa kanila.

Pati ang pamilya natin at kung sino ang mahal natin ay pinag-iinitan ng mga kaaway natin. Pilit nila itong ginagawang dahilan para insultuhin tayo at iparamdam sa ‘tin ang pananaw nila na mas mababa tayong uri ng tao.

May kutob akong alam mo na ang lahat ng ito, kaya ang entrada mo sa mga nagmamarunong na host ng Eat Bulaga ay, “Proud na proud ako sa pagiging beki ko.” Alam mo na rin na pagtatawanan nila ang pagkilos mo at pananamit mo, at gagawin nila itong batayan para husgahan ang pagkatao mo. Pero naglakas-loob ka pa rin, nagbakasakali kang may makakaintindi ng kalagayan mo.

Diamond, wala kang kailangang baguhin kundi ang katatagan ng loob mo. Kung kaya mong magpakita ng panlabas na tibay para hindi ka maapektuhan ng mga pagsubok na haharapin ninyong mag-anak, gawin mo. Pero kailanma’y hindi magiging solusyon ang baguhin mo ang anyo mo para sa kaligayahan ng iba.

Huwag na huwag mong baguhin ang sarili mo dahil bigay ito sa iyo ng lumikha sa iyo. Mahal ka ng asawa mo at ng mga anak mo bilang isang bakla. Natural sa pagkatao mo ang magmahal at alam ito ng pamilya mo. Ituro mo sa kanila na ang pagkakaroon ng pamilya at pagmamahal ay walang kinalaman sa kasarian o oryentasyon o sa kahit anong panlabas na anyo.

Ituro mo sa kanila na mas mahalagang ipaglaban ang sarili at kilalanin ang taong tapat sa iyo kaysa magtago sa likod ng isang pagkatao na labag sa kalooban mo.

Diamond, alam kong hindi ‘yan ang pangalan mo nang ipanganak ka. Pinili mo iyan dahil alam mong angkop ang pangalan na iyan sa pagkatao mo. Alam mo bang maliban sa pagiging isa sa pinakamagandang mahalagang bato, ang diamante ay hindi mababasag ng anomang bagay maliban ng isa ring diamond?

Huwag kang magpabasag sa mga dumi at basurang sumusubok na bahiran ng kahihiyan ang kabutihan ng pamilya mo. Huwag na huwag kang magtatanong ulit sa mga latak ng lipunan na ang lakas ng loob magpayo na magtago ka, palibhasa sanay na sanay silang magtago ng pagkatao, kasalanan, at krimen sa buhay nila. 

Higit sa lahat, maging kasintibay ka ng isang diamond sa pagtatanggol sa pamilya mo at pagtuturo sa kanila ng katapangan at katatagan ng loob. 

Ikaw si Diamond. Walang makakabasag sa iyo. Mahalaga ka sa mundo. Ipagpatuloy mo ang pagmamahal mo sa sarili mo at sa pamilya mo. At kung sa tingin mo’y walang nakakaintindi sa iyo at sa pamilya mo, andito lang ako. 

ENGLISH TRANSLATION:  

To Diamond, the gay man who asked advice from ‘Eat Bulaga’

Dear Diamond,

I wish you asked me instead. I wish you made your way to my Ask.fm or made your presence known. I wish you asked me your innocent question as a loving father. I wish I was the one who had the opportunity to give you an answer.

Because, first of all, I’d tell you that you are right in being proud that you are a gay man. Oh my god, you were so beautiful in that video that is now being talked about in social media. You said you’ve been gay for a while now, but you fell in love with a woman so you decided to get married and have 3 children.

I have so much admiration for you in deciding to build a family that is full of love and respect for one another. It’s not easy for people like us to have families, so I salute you in having so much concern for your children that you asked for advice from people who aren’t worthy of your time. 

I’m not a gay man, and I’m not a parent. But I know what it’s like to be a child different from his or her classmates, or to have a parent who is different in mannerisms and personality. 

I also know how gay men suffer. Every day they run to me because they are being teased by their friends and disowned by their parents. The saddest part is that I regularly hear about how gay men want to end their own lives rather than face the discrimination brought about by their being gay.  

I want to tell you that there is nothing wrong with you. You are the perfect creation of your god and you have nothing to hide or be ashamed of about your personality, actions, or manner of dress. In all the problems you mentioned about your concerns for your children, there is nothing you need to do except this: love your children. 

Give them all the love you are able to give. Teach them to be loving just like you, and to respect others. Explain to them that there are different kinds of people in the world, and that sometimes the people around us are cruel to us just because we look or act differently. 

Sometimes even the kind of family we have and the people we love are made to be reasons for our enemies to pick on us. They will insist that these are valid reasons to insult us and to make us feel that we are lower in class and statuss than they are. 

I have a feeling that you know all of these things already that’s why you began speaking to the faux experts on Eat Bulaga by saying how proud you are to be a gay man. You went in there knowing they would laugh at your outfit and mannerisms, and that they would use these as a gauge to judge your worth. But you were still brave, you took a chance that maybe someone would understand your situation. 

Diamond, you don’t have to change anything other than your strength. If you can build a concrete exterior so you won’t be affected by the challenges you and your family will face, do it. But to change yourself as a person for the pleasure of others is never a solution.

Don’t ever change yourself because who you are is a gift from your creator. You are loved by your wife and children, and they love you as a gay man. Loving comes so naturally to you and your family knows it. Teach them that having a family and loving well have nothing to do with gender, sexual orientation, or outside appearance.

Teach them that it is more important to defend yourself and to know who your true friends are than to hide behind a facade you detest. 

Diamond, I know that you were not born with that name. You chose that because you felt that name best fit your personality. Aside from the fact that diamonds are one of the most valuable precious stones, did you know that nothing is able to break a diamond other than another diamond? 

Don’t let yourself be broken by the dirt and trash of people around you who want you to feel shame for your wonderful family. Never again ask advice from those who do not deserve your time. They are so good at giving you advice to hide your true nature because they are so used to hiding themselves, their offenses, and the crimes of their past.

Most of all, be as strong as a diamond in defending your family and in teaching them courage and integrity. 

You are Diamond. Nothing can break you. You are valuable in the world. Continue to love yourself and your family. If ever you think that no one understands you and your family situation, please know that I am here. – Rappler.com

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!