Free wifi sa Antipolo City inilunsad

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Free wifi sa Antipolo City inilunsad
(PRESS RELEASE) Antipolo City partners with BC Net Incorporated to provide free wifi in public areas

This is a press release from the Public Information Office of the City Government of Antipolo.

MANILA, Philippines – Magandang balita para sa mga netizens ang paglalagay ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ng libreng wireless Internet connection sa pampublikong lugar nito katulad na lamang ng Sumulong Park sa may Poblacion.

“Ang Antipolo City ay patungo sa pagiging Smarter City. Sa panahon ngayon ng internet techonology, nakikita natin ang magandang naidudulot ng “free public wi-fi” para sa mas mabilis na komunikasyon at impormasyon lalo na sa mga estudyante para sa kanilang research at pag-aaral,” sabi ni Mayor Ynares.

Sa bisa ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ng pamahalaang lokal at ng BC Net Incorporated, mayroon ng “free Internet wifi” ang nasasakupan ng nasabing parke.

Kailangan lamang i-register ng mga users ang kanilang pangalan, edad, tirahan, email address at cellphone number upang makatanggap ng username at password na siyang gagamitin nila para magkaroon ng access sa libreng wifi. Mayroong isang oras na libreng internet connection ang bawat isang user. Maaari muling kumonek ang user pag natapos na ang isang oras.

Sang-ayon din ang pamahalaang lokal na ang pagkakaroon ng libreng internet connection ay nakakapagpabilis ng komunikasyon na siyang nakakatulong sa pagtaas ng ekonomiya. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!