SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Ang sumusunod ay press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Magbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 25% deskuwento sa piling publikasyon sa darating na Agosto 11, 2017, 8:00nu–5:00nh. Sa araw ding iyon ay ilulunsad din ng KWF ang mga bagong publikasyon. Binubuo ito ng salin ng panitikan ng mga rehiyon, mga klasikong akda ng daigdig, at pananaliksik sa wika at kultura.
Bukod sa paglulunsad ay magkakaroon din ng talakayan, sisimulan ng 9:00nu-12:00nt ni Dr Isaac Donoso ng Unibersidad de Alicante, España. Magiging paksa ng kaniyang panayam ang tungkol sa Mindanao at sa kaniyang aklat na Islamic Far East: Ethnogenesis of Philippine Islam. Susundan naman ito ng talakayan sa Pagsasalin ng Karunungan, tampok ang mga manunulat at tagasalin na sina Edgardo Maranan, Joaquin Sy, at Roy Rene Cagalingan.
Gaganapin ang talakayan at paglulunsad sa tanggapan ng KWF, Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Bukás ito sa publiko. Ang pagbebenta ng mga aklat ay mula 9:00nu-5:00nh. Para sa mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa KWF sa telepono bilang (02)2521953 o sa dendenqnipes@gmail.com. Maaari ding bisitahin ang www.kwf.gov.ph. –Rappler.com
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.