PH collegiate sports

KWF tumatanggap na ng lahok para sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2018

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

KWF tumatanggap na ng lahok para sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2018
PRESS RELEASE: Maaaring ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino ang mga tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan gamit ang iba't ibang wika sa Filipinas – hanggang Oktubre 5, 2018

This is a press release from Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

MANILA, Philippines — Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan gamit ang wikang Filipino. 

Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, ang mga grant at gawad, ang pagsusulat at publikasyon – sa Filipino at ibang mga wikang Filipinas – ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibat-ibang disiplina.

Mga tuntunin

Ang gawad ay bukas sa lahat maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipasa sa mga taong 2017 at 2018.

Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika,  agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.

Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailathala at hindi rin salin sa ibang wika.

Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng tababa, talasanggunian, at iba pa. 

Ang lahok ay kailangang isumite nang apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (hard copy) at nakalagay sa isang compact disc (CD). May lakip na curriculum vitae,  pormularyo ng paglahok at rekomendasyon mula sa dalawang (2) propesor. Ang apat (4) na hard copy, CD, curriculum vitae, pormularyo ng paglahok at rekomendasyon ay nakalagay sa expanding brown envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda
2/F Watson Building
1610 JP Laurel Street
San Miguel, Manila 1005

Makatatanggap ng halagang Php 100,000 (net) at isang plake ng pagkilala ang magwawagi ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda. 

Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay Biyernes, 5 Oktubre 2018. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!