National Artist for Music Ramon Santos holds lecture in UP on June 6

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

National Artist for Music Ramon Santos holds lecture in UP on June 6
PRESS RELEASE: Bukás at libre ito sa publiko. Magpatalâ o tumawag sa Sangay ng Literatura at Araling Kultural ng KWF sa (02) 252-1953 o sa email na kwf.slak@gmail.com

Ito ay press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

MANILA, Philippines – Iniimbitahan ang lahat na makinig sa pagtalakay ni Pambansang Alagad ng Sining Ramon Santos sa lalim at lawas ng katutubong musika sa ikalimang Lektura Romualdez na mangyayari sa Hunyo 6, 1–3:30 nh, sa Museong Vargas, UP Diliman, Quezon City.

Hinirang noong 2014 na Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika si Ramon Pagayon Santos para sa kaniyang ambag sa pagtahak ng ibang direksiyon sa musikang Filipino, partikular sa mga tradisyong hindi hango sa kanluran. 

Naglingkod siya bilang Dekano ng Kolehiyo ng Musika ng UP Diliman at nakapagsagawa ng maraming saliksik hinggil sa iba’t ibang anyo ng musikang hitik sa Filipinas. 

Ipinangalan sa kinikilang “Arkitekto ng Wikang Pambansa” na si Norberto L. Romualdez ang taunang lektura na naglalayong magtipon ng mga makabuluhang panayam hinggil sa araling kultural na gumagamit ng wikang Filipino.

Si Romualdez, na naglingkod bilang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, ang gumawa ng Batas Komonwelt Blg. 184, batas na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.

Sinusundan ni Pambansang Alagad ng Sining Santos ang mga naunang tagapanayam sa Lektura Romualdez na sina Ambeth Ocampo, Ruben Reyes, Howie Severino, at Tsanselor Michael Tan ng UP Diliman.

Bukás at libre ito sa publiko. I-click ito para sa pagpapatalâ o tumawag sa Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa (02) 252-1953 o sa email na kwf.slak@gmail.com. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!