KWF, may libreng online seminar-palihan para sa mga editor ng teksbuk sa Filipino

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

KWF, may libreng online seminar-palihan para sa mga editor ng teksbuk sa Filipino
PRESS RELEASE: Tatalakayin sa mga editor ang mga nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat na inilathala bilang isang KWF Aklat ng Bayan

Ito ay isang press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Mangyayari ngayong Mayo hanggang Hunyo 2020 ang serye ng mga libreng online seminar-palihan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa mga editor ng teksbuk sa Filipino.

Tatalakayin sa mga editor ang mga nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa (OP) at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) na inilathala bilang isang KWF Aklat ng Bayan.

Naglalaman ang OP ng mga tuntunin sa pagbaybay sa wikang Filipino habang nagsisilbing patnubay sa masinop at maayos na pagsulat ang MMP para sa mga editor, guro, at mag-aaral.

Ilan sa mga nilalaman ng mga module ang talakay hinggil sa Alpabetong Filipino, kambal-patinig, reispeling, paggamit ng bantas at tuldik, at iba pa.

Matapos ang mga module, magkakaroon din ng inter-aksiyon ang mga editor sa mga nangangasiwa ng seminar-palihan upang mapayaman pa ang kanilang pagkatuto.

Bahagi ito ng serbisyo ng KWF sa mga editor at iba pang propesyonal na katuwang ng natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng wasto at modernong Filipino sa sistemang edukasyon.

Hinihimok ng ahensiya na magpadala ng mga kinatawan ang lahat ng mga publisher ng teksbuk, lalo na ang mga nasa iba’t ibang lalawigan ng Filipinas.

Kinakailangan lamang magpadala ng email na may pangalan at kinabibilangang publishing house ang mga interesadong publisher at kanilang editor sa rrscagalingan@gmail.com.

Tatanggap ang KWF ng mga aplikasyon hanggang Mayo 15. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!