Indonesia

Libreng seminar sa korespondensiya opisyal ng KWF, online na!

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Libreng seminar sa korespondensiya opisyal ng KWF, online na!
PRESS RELEASE: Kinakailangang magpadala ng liham ang mga interesadong ahensiya sa Komisyon ng Wikang Filipino upang makapagtakda ng petsa at oryentasyon sa pagsasagawa ng online seminar

Sa patuloy na paglilingkod sa panahon ng krisis pangkalusugan, isasagawa na ng Komisyon sa Wikang Filipino ang libreng Seminar sa Korespondensiya Opisyal (SKO) sa online na espasyo para sa mga kawani ng pamahalaan.

Tampok sa SKO ang pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa at paghahanda ng opisyal na
korespondensiya gámit ang wikang Filipino.

Magkakaroon ng intensibong pagtuturo sa paggawa ng mga memorandum, resolusyon, liham, at iba pang opisyal na komunikasyon na madalas ginagamit sa serbisyo publiko.

Pagtalima ito sa EO 335 na humihimok sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bílang opisyal na wika ng komunikasyon at korespondensiya sa serbisyo publiko.

Nilagdaan noong 1988 ni dáting Pangulong Corazon Aquino, layunin ng EO 335 na maging instrumento para sa pagkakaisa at kapayapaan ang wikang pambansa tungo sa pambansang kaunlaran.

Kinakailangang magpadala ng liham ang mga interesadong ahensiya sa KWF upang makapagtakda ng petsa at oryentasyon sa pagsasagawa ng online seminar.

Maaaring ipadala ang email sa pinkyjanes10matay@gmail.com o tumawag sa numerong 0915-
2864011. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!