Press release: Gaganapin ang patimpalak sa Pebrero 21, 2014, 7:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa 5/F New Rizal Library ng Ateneo de Manila University
This is a press release from Matanglawin Ateneo
MANILA, Philippines – Inihahandog ng Matanglawin Ateneo, kasama ang Rappler at ang Rizal Library, ang Bertigo 2015 – taunang timpalak sa iba’t-ibang larangan ng pagsulat at pamamahayag.
Bitbit ang temang “Filipinas Tungo sa Pag-asa, Pagbangon at Pagbuo,” layunin ng nasabing patimpalak na linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa makabuluhang pamamahayag, at imulat sila sa mga isyung panlipunan at pampolitika, kabilang na ang mga isyung kinahaharap ng mga marhinalisado sa lipunan.
Sa taong ito, magtatagisan ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na kategorya: jingle making, extemporaneous speaking, photojournalism, quiz bee, pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, paggawa ng poster at paggawa ng dokumentaryo.
Bukod rito, magkakaroon din ng ilang kinatawan mula sa sektor ng media upang magbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa responsableng pamamahayag kaugnay ng ilang isyung kinakaharap ng ating lipunan.
Gaganapin ang patimpalak sa Pebrero 21, 2014, 7:30 AM hanggang 5:00 PM sa 5/F New Rizal Library ng Ateneo de Manila University. Magiging bukas ito sa lahat ng mga mag-aaral sa mga paaralang sekondarya sa Kalakhang Maynila (National Capital Region). – Rappler.com
Maaaring magparehistro ang mga interesadong paaralan at publikasyon sa link na ito.
Matatagpuan din ang kumpletong mekaniks ng timpalak sa link na ito.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Matanglawin Ateneo.
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.