Saan maaaring kumonsulta ang non-COVID patients ng PGH?

 

 

(Ito ay isang press release mula sa UP-PGH Division of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism)

Hinihikayat ng Philippine General Hospital (PGH) ang kanilang mga pasyente sa Diabetes, Thyroid, and General Endocrine Clinics na dumulog sa kanilang E-NDO hotline na 09310443763. 

Pwedeng magtext sa numero para makakuha ng reseta o magpada ng resulta ng mga lab tests. Ang pwedeng talakayin lamang sa hotline ay mga problema ukol sa blood sugar, thyroid, at hormones.

Pinapaalalahanan din ang mga pasyente na ilagay ang mga sumusunod na detalye sa kanilang text: 

Bukas ang hotline mula Lunes hanggang Biyernes, 8 am hanggang 4 pm lamang. 

Noong March 23, tinanggap ng PGH ang pakiusap ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na maging isa sa mga referral hospital para sa mga pasyente ng coronavirus. – Rappler.com