MANILA, Philippines – Maraming Pilipino ang dismayado dahil naka-imprenta sa simpleng papel ang inaasam na Philippine Identification System (PhilSys) card.
Paliwanag ng Philippine Statistics Authority, “digital version” ito ng PhilSys o national ID na naka-imprenta sa papel.
Mas mainam na raw muna na ganito dahil nahihirapan ang ahensya sa pagpoproseso ng nasa halos 75 milyon na nagparehistro para sa naturang ID.
Sa TikTok explainer na ito ipinapaliwanag ang proseso ng pagkuha ng PhilSys ID at ang temporary o ePhilID.
Inilatag rin sa video na ito ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nakapagparehistro na. –Rappler.com