In This Economy with JC Punongbayan

In This Economy: Bakit tumamlay ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2023?

Rappler.com
In This Economy: Bakit tumamlay ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2023?
Ano ang mga dahilan sa pagbagal ng ekonomiya noong 2023?

MANILA, Philippines – Noong kalagitnaan ng 2023, bumagal ang andar ng ekonomiya ng Pilipinas.

Mula April hanggang June, umabot lang sa 4.3% ang paglago ng GDP o gross domestic product, na siyang sumusukat sa produksiyon ng bansa. Higit itong mababa sa 6-7% target ng gobyerno, at mas mababa rin sa 6% growth na nakasanayan natin bago sumapit ang pandemya. 

Ano ang mga dahilan sa pagbagal ng ekonomiya noong 2023? May kinalaman ba ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin? At bakit matumal pa rin ang investments kahit kaliwa’t kanan ang mga biyahe ni Pangulong Marcos abroad para manghikayat ng investors?

Alamin ang mga detalye sa pinakabagong episode ng In This Economy, kasama si JC Punongbayan, resident economist ng Rappler. – Rappler.com

Download the Rappler App!