EXPLAINER: Sino nga ba ang maituturing na mahirap sa Pilipinas?

Rappler.com
EXPLAINER: Sino nga ba ang maituturing na mahirap sa Pilipinas?
Sa halagang P8,379 kada buwan, makaluluto na raw ng masustansiyang pagkain ang isang pamilya. Anu-ano ang limitasyon ng datos na ito?

MANILA, Philippines – Sa halagang P8,379, matutugunan na raw ng isang pamilyang may limang miyembro ang pang-araw-araw na gastusin para sa pagkain, ayon mismo sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ibig sabihin, sa halagang P279.30 kada araw, makaluluto na ng masustansiyang pagkain ang bawat pamilya.

Kung isasama ang mga iba pang gastusin sa bahay, kailangan ng bawat pamilya ng P12,030 kada buwan.

Kinuwestiyon ang mga halagang ito ng ilang netizen at mambabatas. Tila masyadong mababa raw ang mga datos.

Sa video explainer na ito, ipinaliliwanag ni Rappler business reporter Ralf Rivas ang mga limitasyon ng mga numerong ito, at kung anu-ano ang implikasyon ng mga datos. – Rappler.com