MANILA, Philippines – Award-winning filmmaker Jim Libiran, former producer of ABS-CBN News and Current Affairs, shared his thoughts about Dolphy on his Facebook account on July 11, 9 a.m.
“Nakasalubong ko s’ya sa main lobby ng ABS CBN. Mabagal na maglakad, medyo nakayukod, ramdam na ang mga taon pero laging nakangiti. Naroon kami, mga news reporters, nagsisigarilyo sa pinto ng main lobby.
Pinatay ko ang sigarilyo ko, bumuntong hininga at nag-ipon ng kapal ng mukha para lapitan ang idol ng masa.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya, habang payukong sinasabi:
‘Manong Dolphy, salamat po. Maraming taon n’yo pong pinasaya ang pamilya ko, mula kay Lolo at Lola hanggang sa aming magpipinsan. Tawanan sa mga palabas ninyo linggo-linggo sa John en Marsha. Salamat po, idol.’
Ngumiti siya, ngiting nahihiya, akala mo maiiyak.
Yumuko siya, buong pagpapakumbaba na sumagot: ‘Ay, salamat po! Salamat po!’
Ang Pambansang Komedyante, idol ng masa, nahihiyang sumagot sa akin, parang bata na kinabahan nang bigla siyang purihin.
Salamat, Dolphy. Ipinakita mo sa amin kung paano manatili sa langit habang nakayapak ang paa sa lupa.
Isa kang tunay na Tondeño!” – Rappler.com
Related stories:
- The man who made us laugh
- Remembering Dolphy: from ‘John En Marsha’ to ‘Home Along Da Riles’
- Celebrities mourn the #ComedyKing’s death
Elsewhere in Rappler:
- [Nation] QC to have two additional districts
- [Thought Leaders] Mining E.O. not perfect, but very good by Dean Tony La Viña and Atty. Alaya De Leon
- [Entertainment] Why Dolphy is not yet a National Artist
- [Sports] The Philippine collegiate rivalry: NCAA vs UAAP
- [World] ASEAN struggles over maritime dispute with China
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.