Oriental Mindoro oil spill

PANOORIN: Bakit kailangang ma-contain agad ang tumapong langis sa Oriental Mindoro?

Rappler.com
PANOORIN: Bakit kailangang ma-contain agad ang tumapong langis sa Oriental Mindoro?
Umpisa pa lamang ay nananawagan na ang mga environmental groups at mga eksperto na kritikal ang containment ng tumagas na langis at pigilan ang lalo nitong pagkalat

Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang lumubog ang MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ngunit ayon sa mga ulat, patuloy pa rin ang pagkalat ng langis nito.

Umpisa pa lamang ay nananawagan na ang mga environmental groups at mga eksperto na kritikal ang containment ng tumagas na langis at pigilan ang lalo nitong pagkalat.

Sa patuloy na pagkalat ng langis maaaring maapektuhan ang mangrove community, wildlife, fisheries, coral reef, at seagrass.

Nasa 20,000 hektaryang coral reef, 9,900 hektaryang mangrove, at 6,000 hektaryang seagrass naman ang nasa panganib, ayon sa projection ng University of the Philippines-Marine Science Institute. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!