MANILA, Philippines – Ang pagiging aktibong mamamayan ay hindi nagtatapos sa eleksiyon.
Bagama’t ang pagboto ay isa sa mga mahahalagang hakbang upang magkaroon tayo ng mas maayos na lipunan, ‘di dapat ipagsawalang-bahala ang pakikisangkot sa mga isyung kinakaharap ng mga komunidad natin.
Ngayong tapos na ang eleksiyon, ano pa ang magagawa natin para maging mga aktibong mamamayan? Saan tayo magsisimula at anu-ano ang maaari nating gawin upang maipagpatuloy natin ang ating nasimulan at higit pang makahikayat sa ating mga komunidad?
Pag-usapan natin lahat ng ‘yan sa “#CourageON: Paano maging aktibong mamamayan pagkatapos ng eleksiyon” sa darating na Miyerkoles, Hulyo 13, alas-kuwatro ng hapon.

Para sa ating talakayan, makakasama natin ang founder at executive director ng GoodGovPH na si Dexter Yang, ang executive director ng 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation na si Migi Lapid, at ang president ng Pacita Organic Garden na si Marvin Lopez.
Samantala, ang Rappler community lead na si Jules Guiang at actress, singer, at improviser na si Aryn Cristobal ang magsisilbing mga host ng programa.
Ang community show na ito ay inorganisa ng MovePH kasama ang Caritas Philippines, DAKILA, Faith Initiative, at Institute for Solidarity of Asia. Ito rin ay suportado ng UN Joint Programme for the Promotion and Protection of Human Rights in the Philippines. Layon ng programang ito na bigyang pansin ang iba’t-ibang mga isyu sa Pilipinas at ilatag ang mga hakbang para sa sama-samang pagkilos dito.
Gaganapin sa Zoom ang programang ito. Upang makalahok, basahin ang mga alituntunin sa ibaba.
Ito ang ilan sa mga hakbang upang makarehistro sa Rappler Events:

Maaaring mag-register hanggang Martes, Hulyo 12, 5 pm. Kung nais pang humabol sa pagpaparehistro lagpas sa nabanggit na petsa, at kung may iba pang katanungan, magpadala lamang ng email sa move.ph@rappler.com.
Ang mga rehistradong kalahok ay makatatanggap ng confirmation email mula sa MovePH sa darating na Hulyo 12. – Rappler.com