MANILA, Philippines- Paano maseseguro ng mga mamamayan na ang mga polisiya at programa ng pamahalaan ay para sa kapakanan nila? Isang paraan ay ang pagsusulong ng mga mamamayan ng kanilang karapatang magsalita at manawagan sa mga halal na opisyal at mga lingkod-bayan. Isa pa ay ang pakikipagtulungan o pakikibahagi sa pagmamatyag sa mga nasa pamahalaan at pagmumungkahi ng mga sistema at paraan para sa tapat na pamamalakad.
Sa ano-anong paraan maaaring makapagmatyag – at nang sa gayon ay makapag-ambag sa pamamahala – ang miyembro ng iba’t ibang komunidad at sektor?
Pag-usapan natin ito sa “#CourageON: Paano makakapag-ambag tungo sa tapat na pamamalakad?” sa Miyerkoles, Hulyo 20, ika-4 ng hapon sa Zoom.
Makakasama sa ating talakayan ang mga sumusunod na tagapagsalita:
- Malou Turalde – convenor ng Kontra Daya at former social welfare undersecretary
- Jen Cornelio – Teduray indigenous woman leader ng 1Sambubungan
- Toym Imao – Concerned Artists of the Philippines board member at University of the Philippines College of Fine Arts faculty member
Ibabahagi rin ni Attorney Ona Caritos, ang executive director ng Legal Network of Truthful Elections (LENTE Network), ang ilan sa kanilang kampanya at inisyatiba tungo sa tapat na pamamalakad at pagprotekta sa ating demokrasya.
Magsisilbi namang host ng programa sina Rappler community lead Jules Guiang, at Move as One Coalition civic engagement lead Kat Moreno.
Ang community show na ito ay inorganisa ng MovePH kasama ang Concerned Artists of the Philippines; iDefend; LILAK; Karapatan; Kontra Daya; K4 Kilos na para sa Kalusugan, Kabuhayan, at Karapatan; Move as One Coalition; at Power for People Coalition. Suportado rin ito ng United Nations Joint Programme for the Promotion and Protection of Human Rights in the Philippines. Nilalayon ng programang ito na bigyang pansin ang iba’t-ibang isyu sa Pilipinas at ilatag ang mga hakbang tungo sa sama-samang pag-aksiyon sa mga ito.
Para makasali sa Zoom, basahin ang mga alituntunin sa ibaba.
Narito ang mga hakbang sa pagpaparehistro sa Rappler Events:
Maaaring magparehistro hanggang Martes, Hulyo 19, 5 ng hapon. Para sa iba pang katanungan, at kung sakaling nais pang humabol sa pagpaparehistro matapos ang deadline, mag-email sa move.ph@rappler.com.
Ang mga rehistradong kalahok ay makakatanggap ng confirmation email mula sa MovePH sa darating na Hulyo 19. – Rappler.com