PANOORIN: Pag-awit ni Mariel De Leon ng ‘Ang Maya’

Rappler.com
PANOORIN: Pag-awit ni Mariel De Leon ng ‘Ang Maya’
Inawit ni Binibining Pilipinas International Mariel de Leon 2017 ang 'Ang Maya' para sa Buwan ng Wika

Namana raw si Binibining Pilipinas International 2017Mariel de Leon ang kanyang pagkahilig sa sining sa kanyang mga magulang na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Pero di tulad ng kanyang mga magulang na mga beterano sa pag-arte, si Mariel ay nahilig sa pag-awit, lalo na sa opera.

Bago siya koronahan bilang Binibining Pilipinas International nitong 2017, bahagi siya ng grupong The Opera Belles.

Sa talent competition nga ng Binibining Pilipinas, ipinamalas ni Mariel ang kanyang talento sa opera singing. Kaya inimbitahan siya ng Rappler para awitin ang “Ang Maya” sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang awiting “Ang Maya” ay isang waltz mula sa sarsuelang Filipinas para los Filipinos noong 1905. Isinulat ito ni Severino Reyes, at nilapatan naman ng musika ni Jose Estella.

Sa “Ang Maya,” inilalarawan ng mang-aawit ang liksi ng mga maliliit na ibong maya. – Rappler.com

Ang Maya
nina Jose Estella at Severino Reyes

Ang ibong sa parang
kapag lumilipad
madalas ang galaw
ng kanilang pakpak
at kung mapagod na
ay dadapo na agad
sasa sanga ng kahoy ay palipat-lipat!
sa sanga nang kahoy ay palipat-lipat
sa umaga ang awitan
ay mainam na pakinggan
sa gabi ay dadapo’t di mahuli at maliksi
sa umaga ang awitan ay mainam na pakinggan
sa gabi dadapo’t di mahuli at maliksi
ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah!
Di mahuli at maliksi
ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah!
Di mahuli at maliksi
Ah!!!!!!
Sa gabi’y dumadapo’t di mahuli at maliksi


Pag nagulat ay lilipad
Papagap na ang mga pakpak
at huhuling
At huhuning “kirikiring, kirikiring!”
At naabo’t na’t at naabo’t hahalinghing na
Ah, ah, ah, ah, ah, ah, ahhhhh!
huni!
huni!
Naabo’t na nahabol na ah, ah, ah, ah, ah.

Sa umaga ang awitan ay mainam na pakinggan
sa gabi ay dumadapo’t di mahuli at maliksi
Sa umaga ang awitan ay mainam na pakinggan
sa gabi ay dumadapo’t di mahuli at maliksi
ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah!
Di mahuli at maliksi
ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah!
Di mahuli at maliksi
Ahhhhhh! ah!
Sa gabi ay dumadapo
Ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah, ah
di mahuli, mahuhuli at maliksi
ang maya
Ang maya!

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.