SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Bagaman kilala si Lourd de Veyra na personalidad sa telebisyon at radyo, nauna siyang nagkapangalan bilang isang musiko, makata sa Ingles, at nobelista.
Kilala rin siya dahil sa kanyang blog na “This Is A Crazy Planets” tungkol sa Philippine pop culture.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inimbita ng Rappler si Lourd de Veyra para basahin ang tulang “Patalim” ng Pambansang Alagad ng Sining na si Cirilo F. Bautista. – Rappler.com
Araw-araw
sinusubok naming mag-asawa ang talim
ng aming balaraw
Halimbawa
Kung umiiyak
ang bunsong anak
at hindi kumikilos ang sintang mahal
sasaksakin ko siya sa likod
at patawang pagmamasdan
habang duguang
pasususuhin niya
ang bunso
Kung pundi ang bumbilya
sa aming kusina
at ako’y abala
sa paglikha ng tula
hindi niya ako titigilan
ng saksak sa batok
hangga’t ang ilaw ay di napapalitan
Patas lang ang aming labanan
Lagot kung lagot walang dayaan
Kaya’t
sa katapusan ng araw magbibilang kami ng
sugat
at tila mga gulanit na kaluluwa
ay magtatawanan magsusuntukan pa
Ganito kaming lagi sapagkat
labis ang pag-ibig namin sa isa’t isa
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.