PANOORIN: Pagbasa ni Kylie Verzosa ng ‘Kasalo’ ni Joi Barrios

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Kylie Verzosa ng ‘Kasalo’ ni Joi Barrios
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, binigkas ni Binibining Pilipinas International 2016 Kylie Verzosa ang tulang 'Kasalo' ng premyadong makatang si Joi Barrios

Ang modelong si Kylie Verzosa ang kasalukuyang Binibining Pilipinas International.

Siya ang magiging kinatawan ng bansa sa Miss International 2016 pageant sa Tokyo, Japan, sa Oktubre.

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Kylie Verzosa para bigkasin ang tulang “Kasalo” ng premyadong makatang si Joi Barrios. – Rappler.com

Ang babae ay hindi kaning inihahain
sa mesa ng matrimonya,
Iniluluwa kapag mainit at takot kang 
mapaso,
sinasabawan ng kape sa umaga
kapag ikaw ay nagkulang,
at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.

Ang babae ay hindi karneng
dinuduro at kinikilo,
ginigisa ang laman sa iyong mga pangako,
nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo
at ginagawang chicharon ang balat
upang maging pulutan.

Ang babae ay hindi halayang
panghimagas sa iyong kabusugan
inumin sa iyong katandaan
o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.

May tiyan din siyang kumakalam,
may sikmurang kailangang mapunan
at pusong dapat mahimasmasan.
Kasama mo siyang nagtatanim ng 
maisasaing,
katuwang na naghahanda
ng almusal, tanghalian at hapunan,
kaharap at kasalo sa kinabukasan.

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!