PANOORIN: Pagbasa ni Lora Noreen Domingo ng ‘Sistema (para sa kasalukuyang administrasyon)’

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Lora Noreen Domingo ng ‘Sistema (para sa kasalukuyang administrasyon)’
Sa Buwan ng Wika, binigkas ni Philippine High School for the Arts student Noreen Domingo ang kanyang tulang 'Sistema (para sa kasalukuyang administrasyon)'

Tinedyer pa lamang si Noreen Domingo ay nakapaglathala na siya ng aklat ng mga tula, ang Natural Anthologies, na lumabas nitong Pebrero.

Mag-aaral siya ng malikhaing pagsulat sa Philippine High School for the Arts.

Inimbitahan ng Rappler si Noreen Domingo para bigkasin ang kanyang tulang “Sistema (para sa kasalukuyang administrasyon)” para sa Buwan ng Wika. – Rappler.com

May kapayapaang nabubunsod sa bawat putok ng baril
Pilit pinahihimbing ang binabangungot na lungsod 
Ng mga pagtitiyak: Ilang porsyento na’ng nabawas 
Sa mga pinaghihinalaan?
Hindi na mahalaga kung kaninong bungo ang nabutas.
Kumbaga, sa pagpatay ng daga
Di na tutukuyin pa ang talagang may sala
Di na iisa-isahin kung alin sa mga ito
ang kumutkot ng ano
Wala nang paghahatol man lang o paghaharap ng ebidensya. 
Basta’t makahuli kahit ng isa.
Gayundin sa pamamaril, iyang nakahilatang bangkay
Sa madilim na eskinita
Sa gitna ng plaza
Sa pasilyo ng paaralan
Ay hindi iyong ama, anak, kapatid, o asawa. 
Sa mata ng baril, ang tudlaan
Ay walang mukha o pangalan. 
Katawan lamang na may paa’t kamay.
Kamay man din ang may hawak, 
Di nito pinagsisilbihan ang batas
O kahit pa ang tao. 
Kapayapaan ang bunsod ng bawat pagpapaputok.
Kulong sa mga pantig itong gunitang
Inuusal, dinadasal ng mga dila.

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!