PAKINGGAN: Pagbasa ni Gary Granada ng ‘Bahay’

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PAKINGGAN: Pagbasa ni Gary Granada ng ‘Bahay’
Karamihan sa mga awitin ni Gary Granada ay may temang politikal. Sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler siya ng Rappler na basahin ang kanyang kantang 'Bahay'

Kilalang fan ng koponan ng Ginebra San Miguel ang musikong si Gary Granada. Ilang awitin din ang kanyang nilikha tungkol sa Ginebra.

Pero karamihan sa mga awitin niya ay may temang politikal.

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Gary Granada na basahin ang kanyang kantang “Bahay.” – Rappler.com

Isang araw ako’y nadalaw sa bahay tambakan
Labing-limang mag-anak ang duo’y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla’t karton sila doo’y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo’t magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo ‘nyo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!