PANOORIN: Pag-awit ni Joey Ayala ng ‘Tutubing Bakal’

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pag-awit ni Joey Ayala ng ‘Tutubing Bakal’
Inawit ni Joey Ayala ang 'Tutubing Bakal' para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Ginawa ng musikong si Joey Ayala ang kanyang unang album noong 1982 sa isang maliit na soundbooth. Noon, mas ginagamit ang ganito sa pagre-record ng audio para sa mga dokumentaryo tungkol sa mga pang-aabuso noong panahon ng Martial Law.

Nagustuhan ng mga kritiko ang album na ito na pinamagatang Panganay na Umaga. Ito ang naging daan upang maimbitahan siyang magtanghal sa Vancouver Fold Music Festival noong 1986.

Ayon kay Joey, ang karanasan niyang ito ang nagtulak sa kanya upang mag-focus sa musika at sining.

Kalaunan, nakilala siya sa kanyang estilong pinagsasama ang mga tunog ng katutubong instrumento at pop music.

Naging chairman si Joey ng music committee ng National Commission for Culture and the Arts mula 2008 hanggang 2010.

Inimbitahan ng Rappler si Joey Ayala upang awitin ang kanyang “Tutubing Bakal” para sa Buwan ng Wika. – Rappler.com

“Tutubing Bakal”
ni Joey Ayala

Tutubing bakal
Tutubing bakal
Lumilipad

Kahit mabigat
Kahit mabigat
Lumilipad

Huwag kang dadapo
Huwag kang dadapo

Ang mga bata’y
natatakot sa ‘yo
Tutubing bakal
Tutubing bakal
Tutubi, tutubi
Lumayo ka

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!