PANOORIN: Pagbasa ni Cherry Pie Picache ng ‘Sa Kasintahang Nilimot Na’ ni Benilda Santos

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Cherry Pie Picache ng ‘Sa Kasintahang Nilimot Na’ ni Benilda Santos
Binasa ni Cherry Pie Picache ang isang tulang isinulat ni Benilda Santos para sa Buwan ng Wika

Nag-umpisa bilang modelo ng beauty products ang aktres na si Cherry Pie Picache, hanggang nabigyan siya ng mga papel sa soap opera at kalaunan ay sa pelikula.

Isa ring manunulat para sa pelikula si Cherry Pie. Ilan sa mga screenplay niya ang Blue Moon, Mano Po 5, at Baler.

Para sa Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Cherry Pie Picache upang bigkasin ang tulang “Sa Kasintahang Nilimot Na” ni Benilda Santos.

Si Santos ay isang mananalaysay, makata, at propesor sa Kagawaran ng Filipino sa Ateneo de Manila University.

Isa siya sa mga kinikilalang dalubhasa at iskolar sa wikang Filipino. – Rappler.com 

Ang totoo, ayaw na kitang makausap.
Nakakainis kasi ang tawa mo sa telepono.
Lahat ng bagay pinagtatawanan mo—
kahit hindi nakakatawa
nagiging biro sa ‘yo.

Ayaw ko nang ganito.
Pakiramdam ko kasi, maysakit ang tawa mo
at medyo takot akong mahawa pa
sa mikrobyong dala-dala mo.
Ayaw kong manghina pa
ang malusog-lusog nang
kaligayahan ko.

Ngunit alam ko:
makikipagkita pa rin ako sa iyo
alang-alang sa mga alaalang
nakapagpapabanal sa tao
at dahil alam kong
sa likod ng malalakas na halakhak
ang totoo,
hinihingan mo ako ng reseta
sa sakit mo.

Hindi mo alam,
wala na akong maibibigay
na anupamang gamot.
Ang umiibig pala nang tapat sa iba
nagiging maramot.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!