#Tweetanaga: Can you write poetry in 140?

Miriam Grace A. Go

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Rappler launches a poetry-writing contest, merging the native form 'tanaga' with the brevity required by Twitter

MANILA, Philippines – Ipinagpapasalamat – kaysa isinisisi – ko ito sa trapik ng Kamaynilaan. Biyernes trapik, to be specific.

Basta napahapon-hapon ang biyahe ko pa-opisina, nadodoble ang oras na ibinababad sa kalye ng taxing sinasakyan ko.

Ang Twitter ang nagiging kaaliwan ko, kaysa isumpa ko ang mga may kotseng nagsasabay-sabay lumabas, ang Megamall na ayaw paawat ang sale, at ang wala yatang muwang na MMDA.

Di baleng matrapik, buntunghininga ko, basta kasama ko sana ang mahal ko.

Kung wala?

 


Dinaan ko – at idinaraan ko pa rin – sa pagtula.

 

Ang tawag ko sa mga ito, “tweetanaga.” Tweet – well, kasi nasa Twitter. Tanaga – ano raw?

Isang katutubong klase ng tula ang “tanaga.” Rough comparison ang haiku ng Hapon. Ang tanaga ng Filipino:

  • may 4 na linya
  • bawat isang linya ay may 7 pantig o syllables
  • ang tugma or rhyme pattern, dati ay monorhyme, pero kalauan ay gumagamit na ng iba-ibang kombinasyon ng tugma: ay aa-bb (magkatugma ang unang dalawang linya, at ganun din ang huling dalawa), ab-ab, abba.

 

Sa madaling salita, poetry in 140 characters (or less, basta magkasya sa isang Twitter post).

Di ’nyo lang siguro nasusubukan, pero kaya ’nyo ring magsulat ng ganyan. Puwedeng tungkol sa pag-ibig, sa pananalig, sa bayan, sa ipinaglalaban… seryoso, kalokohan, kababawan…basta mai-express lang.

 

I-share ’nyo naman sa Rappler. Perfect match kaya tayo? Buwan ng Wika ngayon, kaya bibisitahin natin ang yaman at galing ng sariling lengguwahe natin. Sa Twitter natin gagawin, at pinakamalakas diyan ang Rappler, ang natatanging social news network sa Pilipinas.

Kaya, simula ngayon – ngayon na, kung inspirado kayo – gawa kayong tula, gamitin ang hashtag na #Tweetanaga, at ipadala sa @rapplerdotcom. Kung makakakain masyado ng precious character count, basta #Tweetanaga at #Rappler.

Tatanggap kami ng tweets hanggang Agosto 24. Bago matapos ang buwan, ilalabas namin ang finalists at winners.

Huhugot kami ng mga propesor sa UP at mga miyembro ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo para pumili. May Rappler souvenir items para sa mga mapipiling mobile makata.

Tweet na kayo! Iniipon namin dito ang samples at entries:

– Rappler.com 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Miriam Grace A. Go

Miriam Grace A Go’s areas of interest are local governance, campaigns and elections, and anything Japanese.