#Tweetanaga 2017: Pinakamahusay na 6

MANILA, Philippines – Dahil ang Agosto'y Buwan ng Wika, nangalap ang Rappler sa social media ng maiikling tula – mga #Tweetanaga!

Ang "tweetanaga" ay pinagsamang salitang "tweet" at "tanaga." Katulad ng patimpalak ng Rappler noong 2013 at 2016, pinagkasya ng mga manunulat ang katutubong tula sa isang Twitter post o 140 characters.

Ang tanaga ay may:

Narito ang 6 na pinakamahusay na tweetanagang natanggap namin, ayon sa aming mga patnugot. Mabuhay ang mga makata!

Umaga na Marawi Ngunit inuulit lang Nitong mangangalakal Ang iyong hatinggabi. #Tweetanaga @rapplerdotcom — nery (@makatalakbayan) August 15, 2017 Paggiling at pagkembot: Buhay niya, d'yan umikot Sa perang kakarampot Hinubad, huling saplot. #Tweetanaga @rapplerdotcom — HB (@neonlights_16) August 13, 2017 "Trapo" Hinalal ka ng bayan Ngunit anong ginawa Nagpasasa sa yaman Dugo't pawis ng dukha. #Tweetanaga @rapplerdotcom — JT (@jeffpee7) August 12, 2017 Sa mundong sinungaling Kayamana'y aanhin? Lipunang mapanghusga Kinang ang nakikita #Tweetanaga @rapplerdotcom — Macy (@CastilloMisha) August 11, 2017 At natapos din ito Ating magulong kwento May "ikaw" at may "ako" Ngunit wala nang "tayo" #Tweetanaga #AkoIkawTayo — Aryaya dub (@KokoKruncher) August 11, 2017 "kahit batid ang sakit pilit pa ring kumapit hanggang ako'y nagising 'di ka magiging akin" https://t.co/LEiN3KZQVe — sam (@sammalcala) August 17, 2017

Rappler.com