Filipino poetry

Tula sa pandemya: Mga nagwaging COVIDiona, COVIDagli, COVIDalit

Tula sa pandemya: Mga nagwaging COVIDiona, COVIDagli, COVIDalit
Sana’y maging inspirasyon ito sa atin na mga ‘ikinulong’ ng pandemya na palayain ang sarili sa pamamagitan ng paglikha

Sa unang bahagi ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic, naglunsad ng hamon ang Rappler at ang Foundation AWIT (Foundation for Advancing Wellness, Instruction and Talents): ihayag ang opinyon, damdamin, obserbasyon tungkol sa COVID-19 gamit ang iba’t ibang anyo ng katutubong tulang Filipino. 

Unang challenge ay ang magsulat ng orihinal na “diona” sa Twitter, gamit ang hashtag na #COVIDiona. 

Ang diona ay isang tulang may 3 linya, 7 pantig sa bawat linya, at ang lahat ng linya ay magkakatugma.

Sumunod nating hiningi sa netizens na mag-post ng COVIDaglî sa Facebook.

Ang daglî, ayon sa Sagisag Kultura ng Filipinas, ay isang kuwento na mabilisang isinusulat at inilalabas. “Mas madalas kaysa hindi, ang daglî noong una ay ‘mapagpatawa’ at ‘nagpapahayag ng matapang na pamumunáng pampolitika,’” ayon sa premyadong makatang si Vim Nadera, na opisyal ng Foundation AWIT.  

Pinakahuli, nangalap naman tayo ng COVIDalit. Ang “dalit” ay tulang may 4 na linyang magkakatugma, at ang bawat isang linya ay may 8 pantig. “Kumbaga, parang tanaga lamang ito na may dagdag na isang pantig,” paliwanag ni Nadera sa kanyang Rappler column

Daan-daang social media users and nag-post at nag-tag sa Rappler at Foundation AWIT sa bawat callout. Sa naging tugon na ito ng netizens, nakapag-ambag kami sa isa sa mga misyon ng foundation. 

Ang Foundation AWIT ay isang non-profit organization na ang layon ay mapabuti ang kalusugan, edukasyon, at pagkamalikhain ng kabataang may kapansanan. Malaki at mahalagang bahagi ng teaching-learning materials na binubuo ng foundation ang sining. Halimbawa, nagsasagawa sila ng workshops para sa mga batang may terminal illness or may mental health issues at sa kanilang caregivers, kung saan ipinahahayag nila ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng art works at tula. 

Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, akalain ba nating nasa lockdown pa rin ang Pilipinas dahil sa pandemya? Pumili ang foundation ng pinakamagagaling na COVIDiona, COVIDaglî, at COVIDalit – hangarin na sana’y maging inspirasyon ito sa atin na mga “ikinulong” ng pandemya na palayain ang sarili sa pamamagitan ng paglikha. 

COVIDiona

COVIDaglî

Sa wakas, katapusan na! Pay day na! Kaya lang, no work, no pay nga pala ang patakaran ng kumpanya.
– GLEZEL ESCASA

COVIDalit

Linya ba ang magtatakda
Sa bawat hakbang ng madla.
Distans’ya nga’y ‘sang sandata
Sa kalabang di makita.
– JOAN CHRISTIE ZUÑIGA

Sa mga awtor ng mga napiling tula, magpadala ng direct message sa @rapplerdotcom sa Twitter o sa Rappler sa Facebook gamit ang account ninyo na nag-post ng diona, daglî, at dalit. Ibigay ang inyong email account, at makikipag-ugnayan kami para inyong munting gantimpala. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.