[Dear Lola Saturnina] Crush ko siya, crush niya best friend ko

Lola Saturnina

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[Dear Lola Saturnina] Crush ko siya, crush niya best friend ko
'Deserve mo makahanap ng taong iibigin ka rin, hindi mo kailangan magpumilit at umasa sa wala. Love is a two-way street. Choose someone who will meet you halfway'

Editor’s Note: Rappler’s Life & Style section will be publishing an advice (you can also call it an intervention) column penned by @LolaSaturnina of Twitter snark fame. So if you’re in the mood to snap out of your tanga, need re-affirmation, or just happen to like writing letters, do drop us a line at lolasaturnina@gmail.com with the email header [DEAR LOLA SATURNINA].


 

Dear Lola Saturnina, 

May crush po ako pero hindi ko po maamin sa kanya dahil first of all, she’s in my group of friends (based sa friend policy namin walang magkakagusto sa bawat isa dahil we should treat each other as siblings), second, crush siya ng best friend ko at ayoko namang mang-agaw at baka magkagirian pa kami, and lastly she looks at me as a little brother.

She said to me dati na panget ako and other stuff but noong nagbiro ako na parang gusto ko sya, pero in the end sinegway ko sa joke ko. Sabi niya “oki lang naman” kasi akala niya aamin ako na crush ko siya. Ang kinakatakot ko lang is sa lahat ng nagkakagusto sa kanya ay nilalayuan nya at nagkakaawkward feelings between them, and ayoko po yung mangyari.

I don’t want to lose a friendship like we both have.

Naalala ko pa nga po na lagi kaming nag-aaway dahil sa kakulitan namin, nagkukurutan hanggang sa magkapasa kinabukasan, at marami pang iba. Natandaan ko nga po na sabi ng mga kaibigan namin na kapag kinulong kami sa iisang kwarto walang makalalabas sa amin nang buhay dahil magpapatayan kami, almost every day yun way back JSH. Well, that’s from the past and ngayon hindi na kami magkaklase, pero we still contact each other kasi same barkada kami. Nagkikita kami kapag may get together ang tropa, nag chachat kami if there is an event that will happen, and marami pang iba. We have the same likes but I don’t know a lot about our dislikes.

I see myself as a universal brother, yung tipong lahat ng ginagawa ko ay walang malisya kasi nga they see me as a little brother, and I have proof kasi iyan ang sinasabi ng nakararami. I’m more academic than romantic so kapag usapang pag-ibig wala akong alam dyan. I had a crush dati for 4 years na sinubukan kong ligawan pero gaya nga ng sabi ko hindi ako yung ka jowa jowa so she ended up with her best friend. Nandoon kaklase ko siya so alam din ni crush ko ngayon yung effort ko and nanghinayang sya, but what can I do, I fell in love with the wrong person, and it is happening again.

Most people are curious about my love life and I can’t share anything and I don’t want to because I’m too fragile for that. I trust no one because I have trust issues and I don’t have anybody to rely on besides myself. I’m NGSB (no girlfriend since birth), but nevertheless I still don’t want to have a girlfriend right now because I have priorities to consider pero I want someday, and sana siya yung first and forever ko.

The main thing about this letter is that what should I do with my situation? Do I just forget this feeling or do I need to do something about this? And before anything else I just want to emphasize na super torpe ako na sa lahat ng naging crush ko isa lang ako umamin na sapilitan pa and I’m a dakilang martir na kahit super sakit na kaya kong pagtakpan ang lahat because of that quality. What should I do Lola Saturnina?

Please help me because baka pagsisihan ko ang lahat sa huli.

Nagmamahal,


Nait


Dear Nait,

Una sa lahat, naiintindihan ko yan at hindi ka nag-iisa. Halos lahat ng taong nagmahal, humarap sa pag-aalinlangan. Gusto ba niya ako o hindi? Aamin ba ako o hindi? Alam kong nakaka-fragile, pero yan talaga ang nature ng falling in love.

So ang unang tanong – aamin ka ba o kakalimutan mo na lang? Depende, ano ba ang gusto mong mangyari? Sabi mo, you still don’t want a girlfriend right now, so bakit ka nagwoworry kung aamin ka ba o hindi? Kung ayaw mo pa talaga ng girlfriend sa ngayon, simple lang, wag ka muna umamin, tapos isipin mo na lang ulit pag ready ka na. Kasi isipin mo, ang awkward din nun kung umamin ka, di ba?

“Bes, crush kita and I think I’m in love with you. Pero I don’t want a girlfriend right now.”


“Uh… Okay.”

Labo naman ng ganon. So kung ayaw mo, wag!

Pero natatakot ka na baka magsisi ka sa huli, so I think there’s a part of you that wants to try and see if there’s something there. Eh di bakit hindi? In love and in life, you can make your choices based on fear, or you can choose the path of possibilities and hope.

Mas maraming nagsisisi sa mga “What if” ng nakaraan nila. Ano ngayon kung crush rin siya ng best friend mo? Sila na ba? Hindi naman niya pag-aari si crush. May free will tayong lahat, gamitin natin ito.

Speaking of free will – kung umamin ka at mangligaw ka, kahit gaano pa kabongga yung effort mo, may posibilidad na baka basted ka pa rin sa huli. Kung sa ganon kayo mauwi, wag ka na magpaka-dakilang martir, because martir is just another word for tanga.

Deserve mo makahanap ng taong iibigin ka rin, hindi mo kailangan magpumilit at umasa sa wala. Love is a two-way street. Choose someone who will meet you halfway.

Sabi mo may trust issues ka, pero hindi mo sinabi kung bakit. Siguro nasaktan ka na dati at natatakot ka na maging vulnerable ulit. Nung pinagdaanan ko yan, matagal kong pinag-isipan kung bakit ba hirap na hirap ako buksan ulit ang puso ko. Dati kasi, pag nabibigo ako sa pag-ibig, sinisisi ko masyado ang sarili ko at iniisip ako na may matinding kakulangan ako kaya ako nasaktan. Pero sa totoo lang, marami namang rason kung bakit hindi nagkakatuluyan ang mga tao – compatibility, wrong timing, baka medyo immature pa ang pareho, etc.

Minsan ganon lang talaga, at hindi lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan. So hindi ko pala dapat masyadong damdamin. Siguro pag-isipan mo rin kung saan nag-uugat ang trust issues mo, baka may matutunan kang bago tungkol sa sarili mo (at baka makahanap ka rin ng lunas dito).

Bago ako magwakas, matanong ko lang, sigurado ka ba sa “first and forever?” Hindi mo pa nga alam kung mahal ka rin niya, forever na agad?! Pag bumibili ka ng sapatos, ilan ang sinusukat mo bago ka bumili, pero gusto mo sa love, isa lang, yun na? Maghunos-dili ka huy!

Nagmamahal,


Lola Saturnina

– Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!