US basketball

[Dear Lola Saturnina] Gusto ba niya ako o hindi?

Lola Saturnina
[Dear Lola Saturnina] Gusto ba niya ako o hindi?
Gamitin ang 'Liza Soberano Rule' para malaman kung bet ka rin ng crush mo!

Editor’s Note: Rappler’s Life & Style section will be publishing an advice (you can also call it an intervention) column penned by @LolaSaturnina of Twitter snark fame. So if you’re in the mood to snap out of your tanga, need re-affirmation, or just happen to like writing letters, do drop us a line at lolasaturnina@gmail.com with the email header [DEAR LOLA SATURNINA].


Dear Lola Saturnina,

Nababaliw na ako sa kakaisip. Gusto ko siya pero ang labo ng guy na to! Minsan magchachat kami nang magdamag, pero minsan ilang araw walang reply.

We’ve gone on three dates, and last time sabi niya sa ‘kin “I like you,” special daw ako, tapos biglang four days walang message, walang anything! Ayokong umasa sa wala. Okay lang naman if wala, gusto ko lang malaman if dapat mag-move on na ako. Di na rin kasi ako bata so ayoko na magaksaya ng panahon.

Paano ko malalaman if gusto ba niya talaga ako o hindi?

Nagmamahal,

Dazed and Confused


Dear Dazed,

Para malaman mo ang tunay na intensyon ng isang tao, don’t listen to his words but look closely at his actions. Madali kasi ang salita, pero hindi ang gawa. Nabanggit mo rin na hindi ka na bata, kaya wala ka nang time makipaglokohan. Kung naghahanap ka na ng consistency at hindi siya ganun, malamang di mo na mababago ‘yun.

Ang ginagamit kong litmus test sa ganyang mga sitwasyon ay ang “Liza Soberano Rule.”

Halimbawa, kung si Liza Soberano ang nagtext sa kanya, apat na araw ba niyang paghihintayin si Liza? Hindi! Kung busy talaga siya, siguro kahit “Sorry, I’m super busy with work, but maybe we can catch up over the weekend,” or something.

Pero kung wala talaga, baka di ka niya gusto. Or gusto ka lang niya when it’s convenient. In either case, BYE BOY!

Deserve mo ng partner na tuwing titignan ka niya, feeling niya daig mo pa si Liza at siya na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Maniwala ka at ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Ang UP nga, umabot ng championships eh. Anything is possible when you believe.

Nagmamahal,

Lola Saturnina

– Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.