OFWs sa Qatar puwede nang magpa-deliver ng passports

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

OFWs sa Qatar puwede nang magpa-deliver ng passports
Kinontrata ng embahada ng Filipinas sa Doha ang Qatar Postal Services Company (QPost) para sadyain sa tanggapan o tirahan ng OFWs ang mga luma nilang pasaporte, at ihatid ang kapalit ng mga ito


MANILA, Philippines – Hindi na kailangang pumila sa embahada sa Qatar ang overseas Filipino workers (OFWs) na magpapa-renew ng pasaporte. Puwede nang i-deliver ang dokumento sa kanilang tirahan.

Ayon sa report ng Gulf Times, kinontrata ng embahada ng Filipinas sa Doha ang Qatar Postal Services Company (QPost) para sadyain sa tanggapan o tirahan ng OFWs ang mga luma nilang pasaporte, at ihatid ang kapalit ng mga ito.

“Padadaliin nito ang passport application ng mga Filipino sa Qatar,” ayon kay Philippine Ambassador Wilfredo Santos.

Makakatulong din ito para mabawasan ang mahabang linya sa embahada.

Sinimulan nina dating Philippine Ambassador to Qatar Crescente Relacion at vice-consul Kristine Bautista ang proyektong ito. Pinirmahan ni QPost managing director Abdulla al-Hajri at mga opisyal ng embahada ang kasunduan noong Agosto 10. – Rappler.com

(Read the English version here)

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!