Philippine economy

Laslas pulso, saksak puso? Huwag na

Guia Roa S. Soriano

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Isang listahan ng mga dahilan kung bakit 'di ka dapat sumuko sa buhay

Sa buhay ng tao, sa palagay ko, normal ‘yung minsan nai-imagine niyang wakasan ang sarili niyang buhay. Sa akin, ilang beses ko nang na-imagine iyon pero hindi ko kailanman ginawa sa mga ilang kadahilanan. 

Maaaring walang kuwenta para sa iba ang mga dahilang ito, pero okay para sa akin, at maaaring maging okay rin para sa iyo. Pinakamasamang epekto na siguro nito na mapatigil ka at makapag-isip ng ibang paraan – bukod sa suicide – upang lunasan ang mga suliranin sa buhay.

1. Ang hirap magbigti

Una naisip ko, kapag nagbigti ka, hindi ka naman agad-agad malalagutan ng hininga. Nandoon iyong parang macho-choke ka pa ‘di ba? Tipong agaw-buhay ba, naghihingalo. Para mo lang sinasakal ang sarili mo. Ang hirap noon. Paano kung sa kalagitnaan noon maisip kong ang hirap naman palang magpakamatay kaya baback-out na lang ako, eh huli na pala ang lahat at wala na akong puwedeng katangan para hindi na ituloy ang pag-suicide ko. 

Mari-realize kong sayang naman ang life kaso huli na para sa akin. (READ: Suicide: A note to every Filipino

2. Walang kasiguraduhan sa pag-inom ng lason o sa pag-overdose sa gamot

Kung iinom ako ng muriatic acid o kaya mag-overdose sa gamot, hindi rin sigurado iyon. Eh kung hindi sapat yung nainom ko, tapos may nakakita sa akin habang bumubula ang bibig ko, dadalhin ako sa ospital tapos mare-revive ako. 

Lagot na. Una, baka hindi na maniwala ang pamilya ko na hindi ko na talaga uulitin iyon at habang buhay na nila akong babantayan. Pangalawa, kapag nalaman iyon ng mga kaibigan ko, malamang pagtatawanan nila ako. Sasabihin na napakatanga ko at kulang ang ininom ko. Nang-abala pa ako. Nai-imagine ko pang sinasabi nila na “dapat inubos mo na iyong isang bote. O kaya isang litro ng muriatic, ‘yon malamang sure ball ka doon.”

3. Kung maglalaslas ako ng pulso napakaliit ng posibilidad na maging matagumpay iyon 

Wala pa ata akong nakita o nabalitaan sa tunay na buhay na nagpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso at naging matagumpay. Noong teenager ako, ugali ko na ang hiwain ang sarili ko nang mababaw lang kapag masyado nang matindi ang emotional pain. Paraan ko ito para ma-divert sa physical pain ang attention ko. Mababaw na hiwa lang talaga; sapat para makaramdam ng pisikal na kirot. 

Noong nakita ng isang kaibigan ang hiwang ginawa ko, hala, nag-freak out siya. Ayaw niyang maniwala na hindi naman talaga ako magpapakamatay. Maghapon niya akong kinausap at binulungan sa gitna ng klase. Sabi niya,“Gagi ka. Huwag mong gagawin iyan. Huwag kang mag-emo. Para kang tanga. Ano bang problema mo?” Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon. Kaya mula noon, hindi na ako umulit pa.

4. Kung tatalon ako sa mataas na gusali, kapag namatay ako, magkakalasug-lasog ang katawan ko

Sayang naman ang aking kagandahan. Kahit na negra-negra ako nung kabataan ko, alam kong maganda ako noon (kahit ako lang nagsasabi). 

Sayang naman, kapag titingnan ako ng mga dadalaw sa burol ko, sasabihin nila, “Ay nasira ang mukha niya. Sayang naman.” O di kaya, “Ang pangit nung (anu mang parte ng katawan) niya.” Ok sana kung siguradong mamamatay ako, eh kung hindi na naman? Paano kung injury lang o mabaldado? Lalaki lang gastos namin? Iiyak ang pamilya ko at tatanungin bakit ko ginawa iyon. Tapos iyong mga kaibigan ko’y pagtatawanan na naman ako. Sasabihin pa bakit iyon ang naisip kong paraan, ayun tuloy, nabaldado pa ako. Sasabihin nila na dapat humanap ako ng “sure way.” Tapos sasabihin pa nila, mag-emo na nga lang ako, wala pa sa lugar.

5. Wala akong baril

Kung meron man akong sariling baril, saan ako magbabaril? Sa utak? Kadiri. Eh ‘di literal na sumabog ang utak ko? At sasabog din ang mukha kong maganda, sayang naman ang kagandahang binigay sa akin ni Lord. Tapos habang nasa kabaong ako, baka isipin ng mga makakakita sa akin na napakatanga ko naman na nagbaril ako, wala ba akong ibang naisip na paraan kung saan hindi masisira ang maganda kong mukha?

6. Naisip ko ang mga taong galit sa akin at wala nang inabangan kundi ang aking pagsuko at pagbagsak

Ano na lang ang iisipin nila? Na mahina ako? Na sumuko ako sa buhay? Tapos magiging masaya sila, eh competitive pa naman ako. 

7. Naisip ko ang aking pamilya, mga kaibigan, at ilang taong malapit sa akin

Naisip ko ang nanay at tatay ko, kawawa naman sila. Mawawalan sila ng maganda at matalinong anak na handa silang ipaglaban nang patayan. 

Naisip ko ang mga kapatid at pinsan ko. Kapag nag-suicide ako, sino na lang ang mang-aaliw sa kanila habang nagluluto o nagliligpit ng mga gamit pagkatapos ng kainan? O kaya sino na lang ang pagtatawanan nila tuwing inuman? Magiging malungkot na ang buhay nila.

Naisip ko ang mga kaibigan ko, maiinis sila sa akin kasi bakit ko sinarili ang problema, eh alam na alam ko namang puwedeng-puwede ko silang tawagan. Tapos ko-comment na naman sila ng, “napaka-emo kasi eh.” O di kaya tatawanan nila ako kasi ang tanga-tanga ko para mag-give up agad sa life.

Naisip ko rin ang 4th year high school adviser ko. Nasa klase kami noon nang pumutok ang balitang nagpakamatay ang dati niyang estudyante, nakita ko talagang nalungkot siya noon. Nakita ko sa mukha niya na para siyang nag-iisip kung kulang ba ang naging pag-gabay niya sa batang iyon para mag-give up agad. Saan kaya siya nagkulang? At hanggang ngayon sariwa pa rin sa alaala ko habang sinasabi niyang, “Class, kung may problema kayo at hindi niyo masabi sa mga magulang niyo, kausapin niyo kaming mga teachers niyo. Nandito lang kami, makikinig. Kahit graduate na kayo puwedeng-puwede naman kayong bumalik kapag kailangan niyo ng kausap.” 

8. Dahil ang tunay na emo ay hindi naglalaslas at saka ipo-post sa Facebook. 

Ang tunay na emo ay gumagawa ng tula o ng mga artikulo gaya nito. Isa pa, hindi na uso ang emo na gumi-give up sa life ngayon. Ang uso na ay ang mga emo na palaban sa buhay.

Kaya ikaw. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo sa buhay, kung ilang beses mo na rin na-imagine ang pag-suicide, o kung paano ka magdala ng problema. Pero sana huwag kang susuko sa buhay.

Oo, masaklap at mapait ang buhay kung minsan pero makakatulong kung hahanapin mo ang masasayang bagay sa araw-araw, maliit man o malaki. Kahit gaano kapangit ang mga sunud-sunod na pangyayari sa buhay, lagi kang makahahanap ng dahilan para ngumiti o tumawa. 

Masaklap talaga ang araw kung sa loob ng 24 oras ay hindi mo nagawang ngumiti o tumawa man lang. (READ: Understanding suicide)

Maaari mong tawagan ang iyong pamilya at mga kaibigan. Puwede kang magdasal gabi-gabi at humingi ng lakas kay Lord. Pero sa bandang huli, ikaw at ikaw lang ang makatutulong sa sarili mo. Bandang huli, kahit anong payo o tulong ang ibigay ng mga taong nagmamahal sa iyo o kahit ano pang lakas ang ibigay sa iyo ni Lord, kung hindi mo tutulungan ang sarili mo ay wala rin. 

Piliin mo pa rin ang mabuhay. Masaya ang mabuhay, kaya mabuhay tayong masaya! – Rappler.com

The Natasha Goulbourn Foundation has a depression and suicide prevention hotline to help those secretly suffering from depression. The numbers to call are 804-4673 and 0917-558-4673. Globe and TM subscribers may call the toll-free number 2919. More information is available on its website. It’s also on Twitter and Facebook.

Guia Roa S. Soriano (@pixieroa) is a working professional on weekdays, and a mountain girl on weekends. She loves to think out loud using the keyboard, and lives by the mantra, “Masaya ang mabuhay, kaya mabuhay tayong masaya.” 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!