Corruption in the Philippines

#CourageON coalition on alleged corruption during pandemic: Hold the plunderers accountable

Rappler
#CourageON coalition on alleged corruption during pandemic: Hold the plunderers accountable
'Habang milyon-milyong Pilipino ang lugmok sa sakit o kahirapang dulot ng COVID-19, pinagkakakitaan pa ng mga may kapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ating kasawian,' says the #CourageON: No Lockdown on Rights coalition

In the midst of rising cases and prolonged lockdowns, the nation learns about the mismanagement of billions in pandemic funds and alleged irregularities in the biggest government pandemic contracts.

In the process of favoring Pharmally Pharmaceutical Corporation for pandemic contracts, we also hear about local manufacturers being snubbed by the Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM) in favor of the foreign-led company whose chairman is wanted for several financial offenses in Taiwan.

In response, the #CourageON: No Lockdown on Rights, a broad coalition of human rights groups, released the following statement on Saturday, September 18:

Panagutin ang mga kurakot, buhusan ng pondo ang tugon sa pandemya

Hindi lang ang kapalpakan ng pamahalaan ang nagpapalala ng epekto ng pandemya. Habang milyon-milyong Pilipino ang lugmok sa sakit o kahirapang dulot ng COVID-19, pinagkakakitaan pa ng mga may kapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ating kasawian.

May P10 bilyon nang mga kontrata ang nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corporation mula sa gobyerno. Nakalululang halaga ito kumpara sa kaunting nakuha ng mga lokal na pandemic suppliers na mas kalipikado kaysa sa dayuhang kompanya na walang track record pero pinadrinuhan at pinondohan ni Michael Yang, kaibigan at dating tagapayo ng Pangulo.

Lugi ang gobyerno, talo ang mga Pilipino. 

Kung bumili ang pamahalaan ng face masks, face shields, at PPE sa mga kompanyang mas mababa ang alok na presyo, daan-daang milyong piso ang kontrata sa local manufacturers, libo-libong trabaho sana ang naidagdag at nasuportahan. Sana ay nailaan na rin ito sa suweldo at benepisyo para sa health workers at iba pang frontliners na nahihirapan nang umagapay sa pagbibigay-serbisyo sa gitna ng lubhang kakulangan ng pasilidad at iba pang pangangailangan ngayong pandemya. 

Kaya nananawagan kami: 

  • Sa Senado, na huwag tumigil hanggang mausig at mapanagot ang mga kasabwat sa korupsiyon; sumasang-ayon kami sa panawagang magkaroon ng special audit sa lahat ng pondong inilaan sa COVID-19 response;
  • Sa House of Representatives, na tiyaking maglaan nang sapat na pondo para sa mga tugon sa pandemya na nakabatay sa siyensiya, datos at pangangailangan ng mamamayan, laluna ng mga mahihirap;
  • Sa Ombudsman, na isagawa ang motu propio investigation nito hanggang sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno nang walang reserbasyon at pag-aalangan;
  • Sa ating mga kababayan, na magparehistro para sa darating na halalan. Gamitin ang kapangyarihan ng ating boto upang iluklok sa puwesto ang may husay, ang may kaalaman, ang may puso para sa mga Pilipino. ‘Wag palalampasin ang deadline ng pagpaparehistro sa Setyembre 30.

#CourageON. 

Signatories:

  • MovePH
  • Coalition for People’s Right to Health
  • College Editors Guild of the Philippines
  • Concerned Artists of the Philippines
  • DAKILA
  • Gender and Development Advocates (GANDA) Filipinas
  • Human Rights Online Philippines (HROnlinePH)
  • In Defense of Human Rights and Dignity Movement
  • Ka-Ilongga Organization
  • Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE)
  • KAPATID-Families & Friends of Political Prisoners
  • Karapatan
  • Lilak Purple Action for Indigenous Women’s Rights
  • Metro Manila Pride 
  • National Union of Students of the Philippines
  • Pioneer Filipino Transgender men Movement (PFTM)
  • Rainbow Rights Philippines
  • Rise Up for Life and for Rights
  • Youth Act Now Against Tyranny 
  • We The Future PH
  • National Alliance of Youth Leaders, Inc

– Rappler.com