COVID-19 vaccines

PANOORIN: Huwag matakot, magpabakuna!

Rappler
Sa video na ito, sinasagot ni Papa Bakuna ang iba’t-ibang tanong tungkol sa COVID-19 vaccine

Ano ba ang ginagawa ng bakuna?

Sa video na ito, sinasagot ni Papa Bakuna ang iba’t-ibang tanong tungkol sa COVID-19 vaccine. Ligtas ba talaga ‘to? Makukuha mo ba ang virus sa pagpapabakuna?

Maraming Pinoy ang takot pa rin sa bakuna kahit na nagbibigay immunity ito laban sa virus. Ibig sabihin, mas mababa ang tsansa na mapahamak sa COVID-19 ang mga taong nakapagpabakuna na.

Dahil sa bakuna, may mga bansa nang dahan-dahang nakakabalik sa buhay na malaya sa takot. Darating din ang Pilipinas diyan.

Kaya huwag matakot. Magpabakuna!  – Rappler.com

Ang bidyo na ito ay gawa nila Lyndon Santos,  Lyle Sacris, Fabo, Ramon Bautista, Daryl Libongco, and Mikko Quizon. Ang impormasyon ay galing sa University of the Philippines College of Medicine Batch 2003.