LIVE BLOG: Salita ng Taon 2016

Rappler.com
LIVE BLOG: Salita ng Taon 2016
Sawikaan: 10 ang pagpipilian para sa tatanghaling Salita ng Taon 2016

MANILA, Pilipinas – Matutunghayan sa Huwebes, Oktubre 6, ang mga salitang nominado bilang “Salita ng Taon” sa ikalawang araw ng kumperensiyang Sawikaan 2016.

Sampung salita ang kalahok sa timpalak ngayong taon:

  • bully – ipinasa ni Ronel Laranjo
  • fotobam – ipinasa ni Michael Charleston Chua
  • foundling – ipinasa ni Christine Marie Magpile
  • hugot – ipinasa ni Junilo Espiritu
  • lumad – ipinasa ni Father Albert Alejo, SJ
  • milenyal – ipinasa ni Jayson Petras
  • meme – ipinasa ni Gerard Concepcion
  • netizen – ipinasa ni Xavier Roel Alvaran
  • tukod – ipinasa ni Schedar Jocson
  • viral – ipinasa ni Joselito delos Reyes

Matapos ang mga presentasyon, pipiliin ng pamunuan ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ng hurado ang magiging “Salita ng Taon.”

Sundan ang presentasyon ng nominadong salita sa live blog sa ibaba.

Maaari mong i-like sa Facebook album sa ibaba ang salitang gusto mong manalo.

Maaaring ilahok at hirangin bilang “salita ng taon” ang mga bagong imbentong salita, mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika, mga lumang salita ngunit may bagong kahulugan, o mga patay na salitang muling binuhay.

Isinasaalang-alang sa pagpili ng Salita ng Taon ang kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino, ang pagsalamin nito sa kalagayan ng lipunan, ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita, at ang paraan ng pagpresenta nito sa madla.

Ang Sawikaan ay idinaraos ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kada makalawang taon. Kasama ng FIT sa pagtaguyod ng Sawikaan ngayong 2016 ang Komisyon sa Wikang Filipino, National Commission for Culture and the Arts, at Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Pilipinas. Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.