Pangulo ng Pilipinas, ‘chief diplomat’ din ayon sa batas

Paterno Esmaquel II
Pangulo ng Pilipinas, ‘chief diplomat’ din ayon sa batas
Nakasalalay sa Pangulo maging ang pang-araw-araw na buhay ng mga overseas Filipino worker (OFW), sabi ng isang eksperto

MAYNILA, Pilipinas – Minsang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi naman daw tumakbong diplomat si Pangulong Rodrigo Duterte. Tumakbo raw siyang presidente. 

Pero ayon sa batas, ang Pangulo rin ang “chief diplomat” ng Pilipinas. (BASAHIN: Why Duterte needs to act like a diplomat)

Sinabi ng Korte Suprema sa isang ruling o desisyon noong 2005: “As the chief architect of foreign policy, the President acts as the country’s mouthpiece with respect to international affairs. Hence, the President is vested with the authority to deal with foreign states and governments, extend or withhold recognition, maintain diplomatic relations, enter into treaties, and otherwise transact the business of foreign relations.

(Bilang punong arkitekto ng patakarang panlabas, ang Pangulo ang nagsisilbing tagapagsalita ng bansa sa ugnayang pandaigdig. Kaya ang Pangulo ay nabigyan ng kapangyarihang makipag-ugnayan sa ibang mga estado at pamahalaan, magdesisyong kilalanin sila o hindi, o magkaroon ng diplomatikong ugnayan sa kanila, pumirma sa mga tratado o kasunduan, o kaya’y pangasiwaan ang ugnayang panlabas.)

Pinaliwanag ito ni Dindo Manhit, pangulo ng Albert del Rosario Institute for Strategic and International Studies. 

Ayon kay Manhit, hindi lang pinuno ng gobyerno (head of government) ang pangulo, kundi pinuno ng estado (head of state) rin. Dahil dito, hindi lang mga isyung lokal ang hawak ng pangulo. 

Sabi ni Manhit, “You are our chief diplomat.” (Ikaw ang aming punong sugo o diplomat.) 

Mga OFW at ang Pangulo

Dagdag niya, nakasalalay sa pangulo maging ang pang-araw-araw na buhay ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Higit 1.8 milyon ang bilang ng mga OFW, ayon sa gobyerno. Malaking tulong sa ekonomiya ang mga padala nila.

You have to realize that you cannot look at your world domestically only, because how people see us internationally might affect the day-to-day lives of our OFWs, might affect the investments, the jobs, of our people,” sabi ni Manhit. 

(Kailangan mong makita na hindi mo puwedeng tingnan ang mundo sa paraang domestiko lang, dahil kung paano tayo tinitingnan ng mundo ay posibleng makaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga OFW, sa mga pamumuhunan, sa mga trabaho, ng ating mga tao.) 

Pero hindi nagpapaawat ang Pangulo. (BASAHIN: Duterte: My mouth can’t bring down PH)

Sabi ni Duterte: “Do not keep on complaining about my mouth, because my mouth is not the problem. It cannot bring down a country.” 

(Huwag kayong magreklamo tungkol sa bunganga ko, dahil hindi bunganga ko ang problema. Hindi ito makakapagpabagsak ng bansa.)

“Ang isyu dito, hindi ‘yung bunganga ko,” ani Duterte. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Paterno Esmaquel II

Paterno R. Esmaquel II, news editor of Rappler, specializes in covering religion and foreign affairs. He obtained his MA Journalism degree from Ateneo and later finished MSc Asian Studies (Religions in Plural Societies) at RSIS, Singapore. For story ideas or feedback, email him at pat.esmaquel@rappler.com.