Cardinal Tagle hits ‘fake freedom’ on Independence Day 2018

Paterno R. Esmaquel II

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Cardinal Tagle hits ‘fake freedom’ on Independence Day 2018

Angie de Silva

'Huwad ang kalayaan kapag pinaglalaruan ang katarungan,' says Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 120th Independence Day

MANILA, Philippines – Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle criticized “fake freedom” brought about by killings and other injustices, as the Philippines marked its 120th Independence Day on Tuesday, June 12.

Huwad ang kalayaan kapag pinaglalaruan ang katarungan. Inuulit po natin: Taliwas sa kalooban ng Diyos ang pagyurak sa buhay. Hindi solusyon ang pagpatay sa mga problemang personal at panlipunan,” Tagle said in a statement.

(Freedom is fake if we’re toying around with justice. We repeat: It is against the will of God to destroy life. Killing is not a solution to personal and societal problems.)

Tagle cited the killings of many Filipinos, including slain Nueva Ecija priest Father Richmond Nilo and overseas Filipino worker (OFW) Henry Acorda, who was killed in Slovakia.

Ang pinakahuling biktima ay si Fr Richmond Nilo ng Cabanatuan at sana’y hindi na masundan. Tumatangis tayo para sa kanila, sa kanilang pamilya at sambayanan. Humihingi tayo ng katarungan para sa kanila,” Tagle said.

(The latest victim is Fr Richmond Nilo of Cabanatuan and I hope no one will be next. We weep for them, their families, and our society. We seek justice for them.)

‘Humingi tayo ng patawad sa Diyos’

Tagle then made 4 appeals to Filipino Catholics in the Archdiocese of Manila, which covers the cities of Manila, Makati, Pasay, San Juan, and Mandaluyong in the Philippines’ National Capital Region.

Bilang isang sambayanan, humingi tayo ng patawad sa Diyos sa mga kasalanan laban sa buhay (As a nation, let us seek God’s forgiveness for our sins against life),” Tagle said in one of his appeals.

He also said, “Tinatawagan natin ang mga mambabatas at tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan: Bakit po napakaraming baril o sandata na nagkalat?” (We call on our lawmakers and guardians of order and peace: Why are there so many guns or arms around us?)

A day before Tagle issued this statement, Archbishop Socrates Villegas and other leaders of the Archbishop of Lingayen-Dagupan released a strongly worded message against Nilo’s death.

“They are killing our flock. They are killing us shepherds. They are killing our faith. They are cursing our Church. They are killing God again as they did in Calvary,” their statement read. 

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines also denounced the “outrageously evil” murder of Nilo. 

Read the full text of Tagle’s statement below:

Mga minamahal na kapatid at kababayan sa Arkidiyosesis ng Manila,

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng kalayaan. Ang tunay na kalayaan ay bahagi ng ganap na buhay na dulot ni Hesus (Juan 10:10). Salamat din sa pagpupunyagi ng mga dakilang Pilipino at Pilipina na nagpamana sa atin ng kalayaan. Subalit nakalulungkot tanggapin na laganap pa rin ang pagkaalipin sa bisyo, droga, korupsyon, kapangyarihan, pera, luho, at karahasan. Marami pa rin ang inaalipin ng kahirapan, pagkagutom, pagsasamantala, takot, at pagpatay. Bukod sa pagkitil ng buhay ng Ilan nating kababayan sa ibang bansa tulad ni Henry Acorda na pinaslang sa Slovakia, marami ring pinapaslang sa ating bansa – wala nang pinipili – sanggol, kabataan, magulang, lola, pulis, sundalo, at pari. Ang pinakahuling biktima ay si Fr Richmond Nilo ng Cabanatuan at sana’y hindi na masundan. Tumatangis tayo para sa kanila, sa kanilang pamilya at sambayanan. Humihingi tayo ng katarungan para sa kanila. Huwad ang kalayaan kapag pinaglalaruan ang katarungan. Inuulit po natin: Taliwas sa kalooban ng Dios ang pagyurak sa buhay. Hindi solusyon ang pagpatay sa mga problemang personal at panlipunan. 

Sa diwa ng Salita ng Dios at turo ng Simbahan nananawagan po ako sa inyo:

  1. Bilang isang sambayanan, humingi tayo ng patawad sa Diyos sa mga kasalanan laban sa buhay. Sabayan natin ng gawaing magbibigay-buhay ang paghingi ng patawad: pagdamay sa naulila, pagbabahagi ng pagkain, pakikiisa sa Pondo ng Pinoy at Sanlakbay, paglahok sa Caritas, diyalogo sa hindi Kristiyano o Katolikom at iba pang pagkakawanggawa. “Ipanalangin din ang mga umuusig, huwag silang isusumpa,” sabi ni San Pablo (Roma 12:14). Baka sa iyong pagsumpa sa kanila, matulad ka sa kanila at maging alipin nila. 

  2. Kapag ikaw ay itinutulak ng galit, inggit, yabang at paghihiganti upang manakit ng kapwa-tao, huwag kang susunod. Kapag ikaw ay inuutusan o binabayaran na manakit o pumatay ng kapwa-tao, huwag kang susunod. Huwag kang magpapaalipin. Ang Pilipinong tunay na malaya ay hindi nagsasamantala, naninira at nambubusabos ng kapwa. Pinalaya na tayo ni Hesukristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sabi ni San Pablo sa taga-Roma 8:2. Huwag na tayong magpaalipin muli sa mga hangarin at silakbo na umuuwi sa kamatayan, ayon kay Apostol Santiago 1:15.

  3. Tinatawagan natin ang mga mambabatas at tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan: bakit po napakaraming baril o sandata na nagkalat? Baka kailangan suriin ang mga batas at patakaran hinggil sa paggawa, pagbebenta, pagbili, at pagmamayari ng baril. Huwag nawang dumating ang araw na mas madali pang bumili ng baril kaysa bigas. 

  4. Ituloy po natin ang pagtunog ng kampana ng simbahan tuwing alas-8 ng gabi bilang pagalala at panalangin para sa mga namatay. Panawagan din ito sa mga pumatay na alalahanin ang kanilang ginawa at magbagong-buhay. Mag-alay po tayo ng misa ating mga parokya sa loob ng 9 na araw mula June 13 para sa mga pinaslang, lalo na sa mga pari dahil ngayon ay Year of the Clergy and Consecrated Persons. 

Pagpalain po kayong lahat at ingatan ng Panginoon. Huwag tayong panghihinaan ng loob. Kapiling natin si Maria, Ina ng mga Pilipino, sa tuwa, dalamhati at liwanag. 

+Luis Antonio G. Cardinal Tagle 
Arsobispo ng Maynila 

11 June 2018

– Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Paterno R. Esmaquel II

Paterno R. Esmaquel II, news editor of Rappler, specializes in covering religion and foreign affairs. He finished MA Journalism in Ateneo and MSc Asian Studies (Religions in Plural Societies) at RSIS, Singapore. For story ideas or feedback, email pat.esmaquel@rappler.com